1st Quarter Simultanous Earthquake Drill isinagawa sa Lungsod ng Batangas

news-55-01.jpg news-55-02.jpg news-55-03.jpg news-55-04.jpg news-55-05.jpg news-55-06.jpg news-55-07.jpg

BATANGAS CITY –Isang malakas na lindol na nararamdaman sa buong probinsiya ng Batangas at karatig lugar sa CALABARZON ang nangyayari at dalawa sa nakakaranas nito ay ang National Food Authority(NFA) sa Barangay Balagtas at ang business establishment na Nuciti Mall sa P. Burgos St.

Bahagi ito ng pakikilahok ng Batangas City sa sabay sabay na earthquake drill sa buong bansa. Ayon kay Rod De la Roca, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), layunin ng nasabing pagsasanay na mapalakas at mapatatag ang kasanayan ng mga establisyemento at komunidad sa paghahanda sa pagdating ng lindol. “Sa kabila ng ilang mga kalamidad na maaring bantayan, inu¬una muna ang paghahanda sa lindol dahil mas mala¬king pinsala sa tao ang maaring mangyari kapag dumating na ito. Importante na alam ng mga mamamayan ang kanilang gagawin kung biglang dumating ang pinangangamba-hang lindol na maaring sumira nang maraming ari-arian at kumitil nang maraming buhay.”

Sinabi pa ni De La Roca ang lindol ay hindi katulad ng bagyo na maaring ma-predict kaya iminungkahi niya na dapat regular na inspeksiyunin ng mga inhenyero ng City Hall ang lahat ng mga gusali sa Lungsod. Mabuti na ang nagdodoble ingat aniya.

Bago mag drill, binigyan ang mga NFA at Nuciti employees ng briefing para malaman nila ang mga bahagi ng kanilang lugar na maaring magdulot ng pinsala at mga lusutan o daanan na ligtas patuno sa lugar na pag lilikasan.

Inabot ng apat na minuto ang mga empleyado ng NFA sa paglikas mula sa kani-kanilang mga silid patungo evacuation area habang naka-duck, cover and hold position. Sinundan ito ng mabilis na paglabas at pagpunta sa mga itinalagang ligtas na lugar at pagbibilang ng mga taong naroon upang matukoy kung may naiwan o nawawala sa loob nhg gusali. (/PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.