Shell Petroleum Corporation ng Safety Day

1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY –Muling nagdiwang ang Pilipinas Shell petroleum Corporation ng Safety Day noong April 13 sa Shell Refinery’s Taclobo Covered Court sa temang “Achieving Goal Zero Because We Care.”
Isa itong paraan ng kompanya upang higit na maitanim sa mga empleyado nito ang kahalagan ng kaligtasan sa loob at labas ng refinery kung saan ito ay dapat magsimula sa sariling tahanan at dapat isabuhay sa buong komunidad.

Nakiisa sa event na ito ang mga sub-contractors ng Shell kagaya ng Safe Seas Shipping, JGC Philippines Inc., I & E Industrial System Services Inc., RPD Construction, Brunel, Sodexo, Vallum Gas at Engineering and Maintenance Management System.

Ayon kay Edward Geus, general manager ng Pilipinas Shell, mahalaga ang pangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado. Aniya, dapat may malasakit sa kapwa ang bawat isa sa loob ng refinery upang ma achieve nila ang Goal Zero. Importante din ang kaligtasan ng bawat pamilya at ang mga komunidad na nakapaligid sa kanila.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagkaroon ng patimpalak sa may pinakamahusay na safety practices upang makamtan ang Goal Zero kung saan ito ay ipapakita sa pamamagitan ng kanilang audio-visual presentation.

Nanalo ng first place ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation Engineering and Maintenance Department, second ang I & E Industrial System Services Inc., at third ang Safe Seas Construction. Sila ay tumanggap ng cash prize na P 15,000, P11,000 at P8,000. Napiling Best Female Performer si Lou Agion at Best Male Performenr si Edward Castillo na may premyong P2,000 bawat isa. (PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.