Miss Philippines Earth 2016 beauties lumahok sa tree planting sa Batangas City

1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Naging mahalagang bahagi ng Save the Calumpang River preservation project ng City Environment and Natural Resources Office(ENRO) ang Miss Philippines Earth 2016 candidates ng lumahok sila sa pagtatanim ng mahigit 2,000 mangrove at nipa trees sa Barangay Malitam noong May 21.

Bago ito, nagpagalingan ang may 50 beauties sa Pageant’s Best in Resort Wear Competition at lumahok sa Swimsuit Fashion Show sa Pontefino Hotel noong May 20. Kasama nila sa Mangrove Reforestation ang mga kinatawan ng city government, Bureau of Fire Protection, barangay, schools, business, industries, hospitals, clinics, media, at non-government organizations.

Mga partners ng City ENRO sa gawaing ito ang United States Agency for International Development, UPLB-School Environmental Science and Management at ang Pontefino Hotel and Residences.

Ang mangrove ay nagsisilbing proteksyon laban sa storm surge , tina trap ang mga upstream sediment at pollutants upang huwag makarating sa corral beds at nagii store ng malaking quantity ng carbon kung saan ito ay nakakatulong sa climate change mitigation.
Ayon sa preliminary study ng UP Los Baños, ang mangroves sa Batangas City ay pwedeng mag store ng 548 tons ng carbon bawat ektarya kung kayat mahalagang mapalakas ang conservation ng mangrove ecosystems sa lungsod . Ang regular na pagsali sa mangrove planting ang isang magandang panimula.(PIO Batangas City)

 

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.