“Engage, Educate, Empower”

1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Nagsagawa ng International AIDS Candlelight Memorial ang City Health Office (CHO) sa Amphitheater ng Plaza Mabini pagkatapos ng flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod hindi lamang upang mapalawig ang public awareness hinggil sa Sexually Transmitted Infections (STI) at Human Immuno-deficiency Virus o HIV kundi upang alalahanin ang mga namatay sa AIDS.
Ito ay may temang “Engage, Educate, Empower”

Ang HIV/AIDS ay nakukuha sa pakikipagtalik o sexual contact, blood o blood products, needle prick at mula sa gatas ng ina.
Ayon kay Dr Allen Evangelio-Santos, medical coordinator ng HIV-STI Prevention Program ng CHO, layunin nila na mabawasan at maiwasan ang patuloy na dumadaming kaso ng HIV-AIDS at mawala ang stigma at diskriminasyon na dala ng sakit na ito.

Bukod sa pagsisindi ng kandila, pinangunahan ni Vicky Atienza, isa sa mga coordinators para sa HIV/STI prevention, ang panalangin para sa alaala ng mga yumao dahil sa naturang sakit. “Nakakaalarma na ang Batangas City ang isa sa nangunguna sa CALABARZON sa dami ng HIV cases,” sabi ni Atienza.

Nanawagan si Dr Santos sa publiko partikular ang mga may “risky behaviour” na sumailalim sa HIV testing upang malaman kung sila ay positibo ng sa gayon ay magamot agad at maiwasan ang paghawa ng sakit. Mayroong Social Hygiene Clinic ang CHO para sa libreng counselling at testing. Ito ay bukas mula Lunes hanggang Byernes, ikawalo hanggang ikalima ng hapon kung saan sineseguro na confidential ang proseso at maiingatan ang privacy ng isang indibidwal. Ang Batangas Medical Center naman ang nagsisilbing Treatment Hub sa rehiyon.

Bibisita sila sa mga high-risk areas sa buong lingo upang magsagawa ng edukasyon hinggil sa mga sexually transmitted infections (STI) at HIV. “Sa mga bagong halal na konsehal na naririto ngayon, ipasa na po ang ordinansang bumubuo ng isang Local AIDS Cuncil sa harap ng nakakaalarmang pagdami ng HIV cases sa lungsod,” panawagan ni Santos.

Ayon sa tala, ikalawa ang CALABARZON sa mga rehiyon sa bansa sa dami ng bilang ng may HIV, sunod sa National Capital Region (NCR). May 27 kaso kada oras ang nada-diagnose na mayroong AIDS sa bansa. (PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.