- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City, ginawadan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG)
- Details
- Monday, 07 November 2016 - 1:03:35 PM
Ginawadan ang Batangas City ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal sa isang seremonya noong October 27 sa Sofitel Hotel, Manila. Tinanggap ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang award mula kay DILG Regional Director IV-A Manuel Gotis sa flag ceremony kaninang umaga, November 7. Nakapaloob din sa nasabing award ang cash prize na P3.4 million para sa lungsod.
Binati ni Dir. Gotis ang Batangas City, sa tuloy tuloy na tapat na pamamahala na aniya ay tumanggap din ng Seal of Good Housekeeping noong 2014.Sinabi niya na matingkad at mahalagang karangalan ang SGLG award dahil mas mahigpit ang naging basehan ng pagpili ng mga local government units (LGUs) na gagawaran nito. Aniya may 1,716 LGUs sa buong bansa at 306 lamang ang tumanggap ng SGLG. Bukod sa Good Financial Housekeeping na naging batayan ng 2014 Seal of Good Housekeeping, may limang pang major components sa pagpili para sa SGLG kagaya ng Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business- Friendly and Competitiveness at Environmental Protection.
Ayon kay Dir. Gotis, “nag-excel ang Batangas City sa Good Financial Housekeeping na isang malaking hamon sa pamahalaang lungsod na gugulin ang P1.7 billion budget na isang malaking budget kumpara sa ibang LGUs na nasa milyon lamang ang budget subalit nagkakaroon ng problema sa paggastos nito.” Binigyan din ng mataas na puntos ang kahandaan ng lungsod sa disaster, ang mga social services kagaya ng mga health and education programs, pagiging business friendly at competitiveness nito. Ayon kay Gotis nakita sa ginawang assessment/evaluation ang mabilis na proseso ng application ng business permit na humikayat sa mga business investors na magpatuloy at magtayo pa ng negosyo sa Batangas City.
Inialay naman ni Mayor Beverley Dimacuha ang nasabing award sa mahusay na pamamahala ni Mayor Eddie Dimacuha at pakikiisa ng mga mamamayan ng Batangas City. Ayon sa kanya, ang award ay isang paalaala at hamon upang higit na pag ibayuhin ang tapat at may malasakit na paglilingkod sa taong bayan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.