Escobar, One of the TOP 10 Outstanding Boy Scouts of the Philippines

  BSP_1.jpg BSP_2.jpg BSP_3.jpg BSP_4.jpg BSP_5.jpg

Pinagkalooban ng recognition ng pamahalaang lungsod ang ang kinatawan ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council na si Michael Jay Escobar sa pagkakapili nito bilang isa sa 2016 Ten Outstanding Boyscouts of the Philippines (TOBP) kung saan may 25 scouts ang naglaban laban.

Si Escobar ay 18 taong gulang at 2nd year Medical Technology student sa Lyceum of the Philiipines University - Batangas. Siya ay gumanap bilang City Boy Mayor at Vice Mayor sa City Boy Officials Week sa pamahalaang lungsod. Bukod sa cash prize, siya ay tumanggap ng two-year scholarship mula sa Coca-Cola.

Lubos ang kagalakan ni Escobar sa pagkakapili sa kanya sa awarding ceremony na ginanap noong October 14 sa Philippine International Convention Center. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na mapabilang sa mga outstanding scouts ng bansa. Siya ngayon ay isa nang Rover Scout. Plano niya na kumuha ng Medisina at magsagawa ng community projects na may kaugnayan sa healthcare.

“Just be themselves, be honest and know your capacities and limits” ang payo niya sa mga scouts ng lungsod upang makamit din ang karangalang kanyang natamo. Taong 1989 nagsimula ang paggagawad ng 10 Outstanding Boyscouts sa bansa at si Escobar ang pang- labintatlong kinatawan ng lungsod na napili dito.