Christmas kick-off activity launch of SM City Batangas

  SM_1.jpg SM_2.jpg SM_3.jpg

Handog ng SM Supermalls ngayong taon ang Magical World of Christmas bilang tema ng kanilang Christmas kick-off activity launch na isinagawa sa atrium ng SM City Batangas noong November 5.

Ayon kay SM Mall Manager Lyn Gabriel, ibat-ibang gawain at atraksyon para sa buong pamilya ang kanilang inihanda sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon. Ilan sa mga ito ay Christmas parade sa December 11 at 30, Santa Meet and Greet sa December 25 at grand fireworks display sa December 30.

Layunin ng SM na mabigyang kasiyahan ngayong Pasko ang mga bata at mapalaganap ang pagbibigayan ngayong kapaskuhan. Patuloy pa din aniya ang “Bears of Joy Program” kung saan sa halagang P200 ay makakabili ng dalawang teddy bears na ang isa ay para sa mga kabataan sa charity.

Bukod sa matayog na Christmas Tree, naging sentro ng atraksyon ang centerpiece na gingerbread cookie land na may dekorasyon na gum drops, candy canes, peppermint at iba pa. Ito ay ini-unveiled sa pamamagitan ng dance performance mula sa candy at gingerbread characters kasama si Santa Claus. Bonggang nagtapos ang event sa pamamagitan ng confetti blast at balloon drops kung saan nanalo ng mga exciting na premyo na nakakabit sa lobo ang mga shoppers.