Regional Nutrition Awarding

  Regional-Nutrition-Awarding1.jpg Regional-Nutrition-Awarding10.jpg Regional-Nutrition-Awarding11.jpg Regional-Nutrition-Awarding2.jpg Regional-Nutrition-Awarding3.jpg Regional-Nutrition-Awarding4.jpg Regional-Nutrition-Awarding5.jpg Regional-Nutrition-Awarding6.jpg Regional-Nutrition-Awarding7.jpg Regional-Nutrition-Awarding8.jpg Regional-Nutrition-Awarding9.jpg

Naging finalist ang Barangay Conde Itaas bilang Outstanding Barangay Nutrition Committee at si Graciana Suarez ng naturang barangay naman bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar sa Regional Nutrition Awarding Ceremony for CALABARZON na ginanap sa Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa City noong ika-11 ng Nobyembre.

Ang plake ay tinanggap ni Pangulong Apolinario Camo ng Conde Itaas . Si Suarez naman ay tumanggap ng plake at cash prize na P 3,000. Ang pagpili sa mga nagwagi ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita ng mga myembro ng Regional Nutrition Council CALABARZON sa ibat-ibang lungsod at lalawigan upang magsagawa ng ebalwasyon at matutukan ang implementasyon ng nutrition program.

Ayon kay Regional Nutrition Program Coordinator ng National Nutrition Council IV-A Carina Santiago, ang nabanggit na parangal ay isinasagawa taun-taon ng National Nutrition Council.

Ilan sa mga epektibong proyekto/ programa aniya ng lungsod sa pangunguna ng Batangas City Nutrition Council ay ang pagsasagawa ng feeding program at pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.

Ayon kay Suarez, malaking bagay aniya ang suporta ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang kalusugan ng mga mamamayan partikular ng mga ina at mga bata.