- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
"TV Lectures" ng broadcast journalist na si Jiggy Manicad idinaos sa STI
- Details
- Wednesday, 16 November 2016 - 2:24:00 PM
Nagsilbing inspirasyon at nagbigay ng mga magagandang values sa buhay at sa larangan ng mass media ang multi-awarded broadcast journalist na si Jiggy Manicad ng GMA sa kanyang “TV Lectures” na itinaguyod ng STI College Batangas kung saan ito ay dinaluhan ng mga estudyante buhat sa iba;t ibang paaralan at mga local media practioners.
Si Manicad ay Communication Arts graduate sa UPLB at may diploma sa International Broadcast Journalism sa Cardiff University sa Wales, United Kingdom, malayong larangan sa naunang kagustuhan niya na kumuha lamang ng isang vocational course at maging isang OFW.
Mula sa isang mahirap na pamilya, simple lang ang kanyang naging ambisyon at yun ay ang makatulong sa pamilya subalit sa kanyang paglalakbay ay dinala siya ng kapalaran sa mundo ng mass media kung saan siya ay umani ng halos 50 awards sa larangan ng broadcast journalism. Kabilang sa mga awards na ito ang George Foster Peabody award, New York Film Festivals, US International Film and Video Festivals at Asian Television Awards. Napabilang din siya sa Ten Outstanding Young Men (TOYM). Nagkamit din siya ng Emmy nomination sa kanyang documentary na “Six Hours”para sa kanyang coverage ng Typhoon Yolanda.
Ibinahagi niya ang kanyang mga naging karanasan nang magsimula ang kanyang career noong taong 1997 hanggang marating ang kanyang estado sa kasalukuyan. Siya ngayon ay Senior Reporter sa GMA 7 at anchor ng ilang news program sa GMA News Channel.
Ilan sa kanyang mga di malilimutang coverage na itinuturing niyang highlights ng kanyang career ay ang kanyang balita hinggil sa pag-akyat ng kauna-unahang Pinoy sa Mt Everest, kidnap for ransom groups, Mamasapano incident, helicopter crash kung saan siya mismo ay kasama at ang pagdating ni Pope Francis sa bansa.
Binigyang diin ni Manicad na mahalaga ang passion sa kahit anong trabaho o ginagawa at ang pagkakaroon ng credibility at integrity sa propesyon ng journalism na para sa kanya ay isang public service. Marami aniyang mga sitwasyon kung saan pwedeng ma involved sa corruption ang isang media practioner kung kayat isa ito sa dapat ingatan. Hindi lamang aniya pera o fame ang journalism kundi isang passion.Mahalaga rin aniya na makatulong sa ibang kapatid sa industriya kahit siya ay nabibilang sa ibang stasyon o organisasyon.
Payo naman niya sa mga “millenials”,na naaakit sa madaming gadgets na magkaroon ng focus at alamin kung ano talaga ang kanilang goal sa buhay. Mahalaga din aniya na magkaroon ng disiplina upang maiwasan ang mga tukso sa industriya.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.