Day care children, nagpatalbugan ng costumes sa National Child

  NC1.jpg NC10.jpg NC11.jpg NC13.jpg NC14.jpg NC15.jpg NC16.jpg NC17.jpg NC18.jpg NC19.jpg NC2.jpg NC20.jpg NC21.jpg NC22.jpg NC23.jpg NC24.jpg NC25.jpg NC26.jpg NC27.jpg NC28.jpg NC29.jpg NC3.jpg NC30.jpg NC31.jpg NC32.jpg NC33.jpg NC34.jpg NC35.jpg NC36.jpg NC37.jpg NC38.jpg NC39.jpg NC4.jpg NC40.jpg NC41.jpg NC42.jpg NC5.jpg NC6.jpg NC7.jpg NC8.jpg NC9.jpg

Muling nagpagandahan sa kanilang mga costumes ng iba’t ibang bansang kanilang kinatawan ang mga day care children ng ipagdiwang ng lungsod ang 24th National Children’s Month na may temang Isulong: “Kalidad na Edukasyon para sa Lahat ng mga Bata” noong November 21.

Bahagi pa rin ng pagdiriwang ang Search for Batang Makakalikasan 2016 hindi lamang upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran kundi upang makalikom ng pondo mula sa paramihan ng nabentang recyclable wastes para sa pangangailangan ng mga day care centers.

Tinanghal na Mr. And Miss Zero Waste sa Search for Batang Makakalikasan 2015 ang kinatawan ng San Jose Sico Day Care Center; first place ang mga bata mula sa Pallocan East second place ang EBD 1 DCC : at third place naman ang mga kalahok mula sa Sta Rita Karsada DCC.

Tumanggap naman ng parangal na may Most Indigenous sa kasuotan sina Angiline Lontoc at Ramde James Umali ng Talumpok Silangan DCC; Most Simple ang mga kinatawan ng Bilogo DCC na sina Nino Jake Frago at Krien Eumie Gatdula; may Most Elegant Costume naman sina Charles Jacob Mendoza at Celina Gomez ng Balagtas DCC at Most Charming sina Francheska Abunda at Jairus Mc Craine Gajeta ng Lingap Pangarap.

Nanalo bilang Little Mr and Ms United Nations 2016 sina Ciara Marasigan at Jheel Eizhen Recaplaza ng barangay Conde Labac DCC na kumatawan sa bansang Chile.

Nagkaroon din ng Sportsfest sa volleyball na pinanalunan ng Pinamucan Proper DCC at ng Cuta DCC sa basketball.

Ipinaabot ni Planning Officer IV Gigi Godoy ng City Planning and Development Office ang mensahe ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikisalamuha at pakikipag kapwa ng mga bata sa kabila ng modernong teknolohiya kung saan nasa mga gadgets ang atensyon nila.

Ibinahagi naman ni City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola na sumasailalim sa pagsasanay ang mga daycare workers upang patuloy na maitaas ang antas ng kalidad ng edukasyon o ang early childhood care development program sa lungsod.