- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
ICS Executive Course
- Details
- Thursday, 24 November 2016 - 2:53:44 PM
Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pag-aaral ng Incident Command System (ICS) sa idinaos na ICS Executive Course kahapon (November 22) sa Country Club Batanga kasama ang mga department heads ng pamahalaang lungsod, kanyang executive secretary, mga executive assistants at mga pinuno at kinatawan ng mg ahensyang miyembro ng City Disaster Rirsk Reduction Management Council (CDRRMC).
Sinabi ni Dimacuha na “napakahalaga ang mga ganitong pag-aaral upang magkaroon ng tamang kaalaman ang mga pinuno at mga konsernadong ahensya ng pamahalaang lungsod ukol sa paghahanda sa kalamidad, at maisuguro ang kaligtasan ng mga mamamayan nito.” Binanggit niya ang nangyaring lindol kamakailan sa Japan at ang kanilang kahandaan kung kaya’t maliit lamang ang naging epekto nito sa bansa.
Ipinaunawa sa mga participants ng seminar ang konsepto ng ICS bilang isang sistematiko at mabilis na pagresponde sa panahon ng kalamidad. Ang mga kalamidad na ito ay maaaring natural hazards kagaya ng bagyo, baha, lindol at iba; human induced crisis tulad ng terorismo, hostage taking atbp; aksidente kagaya ng sunog, traffic accidents o mga panganib na pwedeng mangyari sa mga malalaking okasyon tulad ng piyesta, concerts, papal visit at iba pa.
Ayon kay Dir. Vicente Tomazar, regional director ng Office of the Civil Defense IV-A, ang ICS na ito ay anim na taon ng ginagamit sa Pilipinas. Ito aniya ay ipineresenta niya sa Colorado, USA noong nakaraang taon at halos kapareho ring ICS ang epektibong ginagamit ng California simula pa noong 1970.
Ilan pa rin sa mga pinag-aralan sa ICS Executive Course ay ang pagbubuo ng ICS at ang mga taong gaganap dito. Ang Responsible Officer (RO) ay ang chief executive kagaya ng Mayor para sa city/municipal level at governor para sa provincial. Ang RO ang magtatalaga ng Incident Commander na siyang responsible sa kabuuang pamamahala ng ICS.
Itinuro rin ang pagbuo ng Incident Management Team na binubuo ng mga konsernadong indibidwal at ahensya. Itinuro rin ang pag-identify ng mga ICS facilities at ang pagpaplano para sa mga kalamidad, aksidente at mga malalaking events. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.