- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
MOU ng Batangas City at Meralco palalakasin ang partnership para sa ibayong kaunlaran
- Details
- Wednesday, 05 April 2017 - 12:31:35 PM
BATANGAS CITY-Pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Batangas at ng Meralco ang partnership nito sa mas magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng memorandum of understanding na inaasahang susuporta sa ibayong kaunlaran ng lungsod.
Ang MOU ay pinirmahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, Meralco’s Vice President and Head of Home and MicroBiz-South Business Area Ferdinand Geluz at Vice President and Head of South Distribution Services Bernard Castro. Ito ay sinaksihan ni Congressman Marvey Mariño, City Administrator Narciso Macarandang at Batangas Business Center Manager Corazon Pilapil.
Sinabi ni Mayor Dimacuha na pinapahalagahan niya ang “energizing partnership” ng Batangas City at ng Meralco at sana ay “maging forever na ang partnership na ito” sa higit pang paglago ng lungsod.
Binanggit din niya ang ginawa ni dating Mayor Eduardo Dimacuha upang matapos na ang malimit na brownout noon at mapaayos ang electric system ng lungsod sa pamamagitan ng paglillipat ng franchise ng lungsod sa Meralco.
Nakisuyo siya sa Meralco na mas pabilisin pa ang pagproseso ng mga application para sa pagpapakabit ng kuryente. Nagpasalamat naman si Congressman Marvey Mariño sa mga proyekto ng Meralco kagaya ng lighting ng diversion road at nakiusap rin sa power utility na higit pang pabilisin ang serbisyo sa pagpapakabit ng kuryente ng mga customers. “Bawasan ang requirements para hindi na mahirapan ang mga tao,” dagdag pa ng Congressman.
Ayon naman kay Geluz, sa pagdiriwang ng Meralco ng ika -25 anibersaryo nito, napapanahon ang MOU na ito para sa isang “strategic partnership” o pangmatagalang relasyon kung saan ang vision ng Mayor at Congressman para sa lungsod ay nais na masuportahan ng Meralco.
“Alam dapat namin ang areas of growth to support the city’s development,” dagdag pa ni Geluz.
Nagkaroon din ng ceremonial turnover ng solar inverters sa mga barangay captains ng Isla Verde na sina Pangulong Edmar Rieta ng San Agapito, Philip Perez ng San Agustin Kanluran, Wilmer Gualberto ng San Agustin Silangan, Arnold Briton ng San Andres, Jose Fatalla ng San Antonio at Rodante Ebora ng Liponpon. Ang naturang inverters ay gagamitin ng mga paaralan para magka power ang kanilang mga appliances, ilaw at computers.
Ang MOU ay dinaluhan din ng mga city councilors, department heads ng pamahalaang lungsod, City Schools Supt. Donato Bueno at mga top bosses ng Meralco. ( PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.