- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tourist facilities sa lungsod sumailalim sa pagsasanay sa data- gathering tungkol sa turismo
- Details
- Wednesday, 05 April 2017 - 1:50:41 PM
BATANGAS CITY-Sumailalim sa Basic Tourism Statistics Training ng Batangas Tourism Office ang mga may-ari o representatives ng mga tourist establishments upang matutunan nila ang pangongolekta ng datos at impormasyon sa mga natatanging tourist attractions, accommodation establishments at bilang ng turista sa lungsod.
Ang Basic Tourism Statistics ay isang estratehiya ng market research na magiging basehan sa pagpaplano ng mga proyekto at promosyon para sa pagpapalago ng industriya ng turismo ng bawat lugar.
Layunin nito na masubaybayan ang pagtaas at pagbaba ng bilang ng mga turistang pumapasok at lumalabas saan mang panig ng lalawigan at lungsod.
Ayon kay City Tourrism head Eduardo Borbon, mayroong direktiba ang Department of Tourism sa mga LGU’s Tourism Offices na magbigay ng datos tungkol sa tourist arrival sa kanilang lugar upang mabigyan ng tulong ang mga LGUs na mapaayos ang kanilang accommodation at pasilidad. Kabilang sa mga datos na kinakalap ng Tourism Office ay ang bilang ng mga turistang lumalabas sa lalawigan, total guest check-in, distribution of guests by country and residence, total night guests at total rooms occupied, datos ng visitor kung ito ay tourist, same day visitor, night visitor at business tourist.
Inaasahan naman ng Batangas City Tourism Office ang pakikiisa ng mga tourist establishments sa pagbibigay ng maayos na datos at report. Naging lecturers sa nasabing seminar sina Rowena Brucal at Stephanie Landicho ng Provincial Tourism Office. (PIO Batangas City.)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.