- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Partnership projects ni Cong. Marino at Mayor Dimacuha inilahad
- Details
- Thursday, 06 April 2017 - 2:41:04 PM
Ipinabatid ni Congressman Marvey Mariño na nakapag released na ang Land Bank ng mobilization fund na P30 million mula sa P1 billion loan ng pamahalaang lungsod para sa simula ng konstruksyon ng third bridge mula sa Sitio Ferry ng Barangay Kumintang Ibaba hanggang Gulod Labac na inaasahang matatapos sa Disyembre ng taong ito. “Dapat ng magawa ang tulay sa pinakamadaling panahon dahil matagal na itong hinihintay ng mga tao, at matugunan na rin nito ang problema sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lungsod,” sabi ng Congressman.
Ayon pa rin kay Cong. Marvey, maayos ang kalagayan ng mga residente ng Gulod labac na inilipat sa Brgy Tulo dahil mayroon na ditong suplay ng kuryente at tubig at maayos na karsada. Mabilis rin aniya ang magiging byahe mula bayan patungong Tulo at pabalik dahil sa pagbubukas ng Startoll to Pinamucan Diversion Road.
Binanggit din ni Congressman Mariño ang mga proyektong ipapatupad ngayong taong ito at popondohan nila ni Mayor Beverley Dimacuha.
Una rito ang first of its kind drug rehabilitation center na tatawaging Life Transformation Sanctuary na magbibigay ng pagkakataon sa mga naliligaw ng landas na makapagbagong buhay. Ito ay itatayo sa dalawang ektaryang lupa sa barangay Cumba na binili ng pamahalaang lungsod. Sa pamamagitan naman ni Cong. Mariño ay naglaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P20 milyon para sa konstruksyon ng center. “ Magkatulong kami ni Mayor dito, ang konstruksyon ng gusali ay mula sa pondo ng congressman, mangagaling sa DPWH, at ang ang pasilidad nito, lahat ng laman sa loob ay mula naman sa pondo ng city government,” sabi ni Cong. Mariño.
Ganito rin aniya ang gagawin sa Batangas City Public Library, kung saan naglaan ang DPWH ng 30 milyong piso para sa konstruksyon ng dalawang palapag na gusali at pamahalaang lokal naman magbibigay ng pondo para sa pagbili ng mga gamit at supplies. Magkakaroon din dito ng libreng paggamit ng internet o wi-fi.
Ayon kay Cong. Mariño nakatakda ring umpisahan ang konstruksyon ng Startoll to Pinamucan Bypass road na isa sa kanyang mga priority projects. Ito aniya ay magbibigay ng malaking kaluwagan sa daloy ng trapiko at kaalwanan sa mga bumibyahe sa lungsod patungong Maynila lalo sa mga negosyante. Naglaan na aniya ng pondo ang DPWH para dito habang ang pamahalaang lungsod naman ang mag popondo para sa right of way.
Ang mga nabanggit na proyekto ay nakatakdang umpisahan bago magtapos ang taong ito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.