- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tindahan ng religious items binuksan ng Council for the Elderly sa GAD building
- Details
- Monday, 10 April 2017 - 11:53:49 AM
Kasabay ng taunang Pabasa ng Pasyon ay binuksan na rin ng Batangas City Council for the Elderly ang kanilang tindahan ng religious items sa Elderly Center, GAD Building sa Plaza Mabini kung saan ang kikitain dito ay magsisilbing pondo para matulungan ang mga higit na nangangailangang senior citizens sa lungsod.
Ayon kay dating Mayor Vilma Dimacuha at ngayon ay Senior Citizens Federation President, mula sa pondo rin ng council ang ginamit na puhunan para sa tindahan at kasama niya ang mga miyembro ng Board of Directors (BOD) na namili ng religious items sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Patunay aniya na sa kabila ng kanilang mga edad ay aktibo pa sila at masaya sa ganitong gawain dahil sa hangaring matulungan ang mga nangangailangang nakatatanda.
“Maayos ang naging kita sa unang tatlong araw, nakakatuwa at naubos ang ilang items kagaya ng pascal candles,marami pang kulang na paninda, dadagdagan pa namin, mas mababa ang presyo dito dahil ikinumpara namin sa ibang tindahan,” sabi ng dating Mayor.
Uumpisahan na rin ng council ang ilang livelihood projects tulad ng paggagawa ng mga beads para maging rosary, bracelets at iba pang accessories, hindi lamang para pagkakitaan, kungdi para may produktibong pagkakaabalahan ang mga matatanda. “Pwede rin magtinda ng kanilang produkto ang mga seniors, pwede itong consignment, para maraming souvenir items ang Batangas City para sa mga turista,” dagdag ni Gng. Vima.
Isang malaking proyekto na pinaplano ng council ang pagtatayo ng Home for the Aged kung saan naglaan na sila ng initial fund na P200,000 para dito. Ayon sa BOD, pansamantalang aalagan sa Bahay Pag-Asa ang mga senior citizens na walang kumakalinga at kailangan ng matutuluyan base sa magiging assessment ng City Social welfare and Development Office (CSWDO). (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.