- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
State of Calamity ideneklara sa Batangas City
- Details
- Monday, 10 April 2017 - 4:05:20 PM
Idineklara ng Sangguniang Panlungsod sa special session ngayong araw na ito ang Batangas City sa ilalim ng state of calamity bunga ng pinsala sa mga gusali at imprastrakturang tinamo nito sa lindol mula pa noong April 4 at April 8 sa rekomendasyon ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa pamamagitan ng kanyang Executive Order No. 9 s.2017. Inerekomenda ni Mayor Dimacuha ang state of emergency matapos magsagawa ng damage assessment ang City Engineer’s Office at sa rekomendasyon na rin ng City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC).
Ayon sa kanya, sa ilalim ng state of calamity, madaling maipapagawa ang mga nasirang gusali at imprastraktura sa lungsod.
Nakasaad sa Resolution No. 87 ng konseho: “… there is a pressing need to employ emergency measures to hasten the restoration of affected properties and infrastructure, reinforce the city’s preparedness for a similar calamity and aid the constituents to return to normal living”.
Samantala, nagsagawa kahapon ng inspection ang City Engineer’s Office at mga private engineers na nag volunteer ng kanilang serbisyo sa pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Marino sa mga gusali sa City Hall upang maseguro ang kaligtasan dito.
Kaninang umaga ay pansamantala munang hindi pinagamit ang mga opisina sa second floor ng main building kasama na ang Office of the Mayor upang maseguro ng CEO ang integridad ng gusali. Nitong hapon ay nakabalik na ang mga nag-oopisina rito.
Sa kabuuan ay ligtas naman ang City Hall maliban sa mga major damages sa General Services Department na ngayon ay pansamantalang nag-oopisina sa Sports Coliseum at ang City Assessor’s Office na nagbababa na ng gamit upang lumipat sa ibang gusali kung kayat hindi muna sila nakapagbukas ng opisina ngayong araw na ito.
Kaninang umaga, nagdaos ng pagpupulong sina Congressman Marino at Mayor Dimacuha sa mga department heads kung saan binigyan sila ng briefing ng assessment ng kanilang mga opisina.
Nakipagpulong din sila sa mga barangay captains kasama si ABC President Dondon Dimacuha upang pagsumitihin ang mga ito ng damage assessment sa kanilang barangay.
Naiparating din ng mga pangulo ang kanilang mga naging problema noong lindol at ang kanilang mga suhestiyon upang mapaayos ang kanilang kahandaan sa kalamidad.
Samantala, wala pa ring klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Batangas City mula April 11-12. (PIO BATANGAS CITY)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.