- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Awarding ng Project SMILES winners idinaos
- Details
- Tuesday, 11 April 2017 - 4:29:11 PM
BATANGAS CITY- Nanalo sa Search for the Most Innovative and Liveable Environmental School ang Talumpok National High School sa secondary level at ang Dao Elementary School sa elementary level hindi lamang sa kanilang programang pangkapaligiran kundi sa suporta ng kanilang pamilya at komunidad .
Sa private school category, nanalong kampeon ang UB Waldorf School, Inc. sa elementary at ang Sovereign Shepherd School of Values and Learning sa secondary.
Ang naturang patimpalak ay inilunsad ng City Enro noong June 20 ng isang taon at sinundan ng walong buwan ng pagbisita ng Monitoring Team sa may 114 na public at private schools upang makita ang kanilang mga programa. Napiling semi-finalists ang may 30 public at siyam na private schools.
Ang criteria sa pagpili ng mga winners ay ang energy efficiency(10%), water conservation and protection(10%), waste management/operation of MRF(40%), greening initiatives(30%) at student’s participation/awareness on environment and sanitation practices(10%). Ginanap ang awarding ceremony noong April 3 sa Batangas City Convention Center.
Binati ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga winners at sinabing patuloy niyang susuportahan ang mga environmental activities ng mga paaralan.
Sinabi naman ni Congressman Marvey Mariño na nais ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng balanse ang industriyalisasyon at ang proteksyon ng kapaligiran. “Itong proyektong ito ay ginagawa namin para maagang mamulat ang ating mga bata sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran,”dagdag pa ng Congressman.
Ipinagmamalaki ng Project SMILES(Strengthen our Mission in Intensifying our Labor for Environmental Security) ng Dao Elem. School ang Green Battle Movement nito na siyang advocacy para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangangalaga ng kapaligiran. Mayroon din silang mga Green Ambassadors na tumutulong sa environmental awareness at pangangalaga ng kapaligiran. Ang mga Green Police naman ang responsable sa waste management, pag-iwas sa pagkakalat at composting. Naniniwala sila sa power ng social media kung kayat nag create sila ng Facebook page - ang Green Battle- kung saan nakapost ang lahat ng kanilang mga activities. Makikita rin ang kanilang creativity sa kanilang mga nagagawang items mula sa recycling. May mandatory integration ng environmental lesson sa isang subject sa isang araw at nakapag imbento sila ng M/V Green Saver, isang flood rescue boat na gawa sa 1.5 liter coke bottles at may loading capacity na 341 kgs. bilang bahagi ng kanilang disaster preparedness. Nag-iipon din ito ng rain water para sa paglilinis ng CR at pandilig ng halaman.
Ang Project BRANCHES(Bringing the Remains of Amazing Nature for a Complete and Hearty Ecological Sustenance) ng Talumpok National High School ay gumagamit ng mga recycled indigenous materials kagaya ng cocunot husks, bamboo poles, tree trunks at old armchairs hindi lamang bilang dekorasyon kundi nilalagay sa lupa upang maiwasan ang landslide at soil erosion na nagdudulot ng pagbaha. Mayroon ding fish pond na nagsisilbing water reservoir at mayroong rain-catching ducts sa roof edge ng school building upang maipon ang tubig ulan na inilalagay sa mga drums na may taklob. Gumagawa rin ang paaralan ng vermicomposting bilang pataba sa lupa.
Mahalagang bahagi naman ng Dear Mother Earth programa ng UB Waldorf School Inc. ang kanilang waste reduction and recycling kung saan kasama ng mga bata ang kanilang pamilya sa paggawa ng mga items mula sa recycled wastes kagaya ng Christmas decor at iba pang kagamitan sa paaralan. Malakas din ang kanilang greening activities dahil ang gardening ay bahagi ng kanilang curriculum kung saan itinuturing nilang parang isang farm ang kanilang backyard. Aktibo rin sila sa paper recycling.
Bukod sa water at energy conservation, aktibo rin ang Sovereign Shepherd School of Values and Learning sa 5 Rs in waste management at Waste Analysis and Characterization Survey upang mas maging epektibo ang kanilang waste segregation. Mayroon silang bahay kubo na gawa sa mga recycled wastes. Ang mga ito ay bahagi ng kanilang Sustainable Management of Environmental Awareness Program o SMEAP.
Ang mga kampeon ay tumanggap ng cash prize na P50,000. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.