- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Nangyaring lindol sa Batangas ipinaliwanag ng PHIVOLCS chief
- Details
- Wednesday, 12 April 2017 - 4:02:03 PM
BATANGAS CITY-Ipinaliwanag ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary and Phivolcs OIC Renato Solidum Jr. na taliwas sa mga nababalita na may bagong earthquake fault sa Mabini, Batangas, ito ay lumang fault “na ngayong lang lumilitaw sa ibabaw at yan ay kumikilos ng paunti unti kaya napakaraming earthquakes ang naitala sa Batangas.”
Sa meeting ng Full City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC), ikinumpara ni Solidum ang nangyaring lindol noong April 4 na may intensity 5.5 at ang twin earthquake na may 5.9 at 5.6 intensity noong April 8 na parang suntok ni Fernando Poe Jr., madami ngunit hindi nakakamatay. Ito aniya ay mas magaling kaysa kagaya ng isang malakas na suntok ni Manny Pacquiao na magdudulot ng matinding kasiraan at kamatayan.
Mahigit na 1000 aftershocks ang nangyari pagkatapos ng lindol noong April 4 at 8 kung saan ang epicenter ay sa Tingloy at sa Mabini.
Ang lindol sa Batangas City ay isang “moderately-sized earthquake” kung saan hindi ito gaanong nakakasira at nakakamatay.
Ang faultline sa Mabini aniya ay hindi magdudulot ng major earthquale dahilan sa hindi mahaba ang faultline at dahilan sa ang mga bundok dito ay mga lumang bulkan kung kayat mainit at malalambot ang mga bato dito. Hindi rin aniya totoo na ang ginagawang drilling sa Mabini ang naging dahilan ng lindol dahilan sa mababaw lang ang drilling na ito at hindi naaabot ang lalim ng faultline. Hindi rin ito magdudulot ng pagputok ng Mt. Makiling o Mt. Banahaw dahil ang mga ito ay mga inactive volcanoes. Bago pumutok ang isang bulkan, kailangan muna itong magpakita ng mga senyales. Maraming misinformation aniya ang nangyari sa social media noong lindol. “Yan ho ay disaster na nangyayari kung may disaster,” dagdag pa ni Solidum.
Maraming lindol aniya ang kanilang pinag-aaralan sa Batangas at ito ay pwedeng mangyari sa Lubang fault, Manila Trench at West Valley fault.
Posible aniyang magkaroon ng tsunami sa Batangas City kung ang lindol ay manggagaling sa Manila Trench . “Pag nagkatsunami sa South China Sea, pagkilos ng Manila Trench ng 8.3, papasok sa loob ng pagitan ng Mindoro at Batangas, pwedeng pumasok east sa Batangas Bay at papunta sa Manila Bay,” sabi ni Solidum. Nilinaw din niya na ang tsunami ay nangyayari sa loob ng 2-5 minuto pagkatapos ng lindol. Binanggit niya ang “shake, drop ang roar” kung saan pagkatapos ng malakas na lindol, biglang bababa ang tubig at magkakaroon ng malakas na tunog. (Angela J. Banuelos PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.