- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Alpa Seals Swimmers, nanalo sa international competition
- Details
- Monday, 17 April 2017 - 4:11:31 PM
Bumisita sa tanggapan ni punong lungsod Beverley Rose A. Dimacuha noong ika-17 ng Abril ang mga miyembro ng Alpa Seals Swimming Team na nanalo ng medalya sa katatapos na Thanyapura Invitational Swim Meet na ginanap sa Thanyapura Health and Sports Resort sa Phuket, Thailand noong March 31-April 2.
Ang naturang sports resort ay kilala sa buong mundo sapagkat dito nagsasanay ang mga kilalang Olympians sa larangan ng paglangoy kagaya ni US swimmer Michael Phelps.
Ang international meet na nilahukan ng mga batang swimmers sa buong mundo ay nasa ika-anim na taon na. Ang mga batang manlalangoy ay inimbitahan sa pamamagitan ng kanilang mga paaralan at sa patnubay na rin ng kanilang magulang.
Sa 13-14 year old Female Category, humakot ng 6 na gintong medalya si Leeya Beatriz S. Marbella ng St. Bridget College.
Pinagwagian niya ang 200m freestyle, 400m freestyle, 800m freestyle, 200m butterfly, 200m individual medley at 400m individual medley. Hinirang din siya bilang 1st Place Most Outstanding Swimmer ng kaniyang kategorya. Lalaban din si Marbella sa Palarong Pambansa sa Abril 23-28 sa San Jose de Buenavista Antique.
Apat na gold naman ang iniuwi ni Ron Jairus A. Villamor ng Stonyhurst International School sa 15-17 year old Male bracket. Pinagharian niya ang 50m backstroke, 100m backstroke, 200m backstroke, at 800m backstroke. Tatlong bronze naman ang napagwagian ni Villamor sa 400m freestyle mixed open pool water, 200m freestyle, at 200m individual medley. Hinirang din siyang 2nd Place Most Outstanding Swimmer sa kaniyang age bracket.
Nagbigay rin ng karangalan si Kier Louis C. Landicho ng St. Bridget College sa kaniyang iniuwing 1 silver, 3 bronze at dalawang 4th place finishes sa iba’t-ibang events.
“Bukod po sa trophies, medals at swimming gears na napanalunan namin, pinakamahalaga po yung exposure at learning experience namin dahil malalakas po talaga ang mga kalaban lalo na yung mga Indian Nationals,” ani Marbella.
“Ang pinaka-goal po naming lahat, makalangoy kami sa Olympics balang araw. Yun naman po ang dream ng lahat ng manlalaro, ang mai-represent ang bansa sa international events kagaya ng Olympics,” dagdag pa ni Marbella. Nakatakdang iharap sa mga kawani ng city government ang mga Alpa Seals swimmers sa May 8 sa flag raising ceremony upang maibigay ang parangal at cash incentive mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.