- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
City Anti-Drug Abuse Council isusulong ang community-based rehab ng drug surrenderers
- Details
- Wednesday, 31 May 2017 - 11:05:12 AM
BATANGAS CITY-iba’t ibang community-based activities ang nabuo ng multi-sectoral Batangas City Anti-Drug Abuse Council para sa rehabilitation at recovery ng mga drug surrenderers sa Batangas City sa consultative meeting na idinaos nila nitong May 29 sa Batangas Country Club.
Ayon kay Dr. Allen Santos , Medical Program Coordinator ng City Health Office(CHO), may mandato ang DOH na magkaroon ng programa para sa rehabilitation ng mga drug personalities subalit hindi ito magagawa ng CHO ng mag-isa sapagkat kulang sila sa trained personnel na kikilos sa drug abuse management . Kailangan aniya ng tulong ng iba’t ibang sektor upang makapagsimula at makabuo ng isang integrated programa na angkop para sa mga drug surrenderers sa lungsod.
Ipinaliwanag naman ni City DILG Director Amor San Gabriel ang mga mahahalagang probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at mga executive orders tungkol sa substance abuse. Sinabi niya na “dapat magpatuloy ang functionality ng city at barangay anti-drug abuse council at magkaroon ng information at education campaign sa tri media sa pangunguna ng Dep Ed at ng Public Information Office.”
Sa kanyang ulat sa drug situation sa lungsod, sinabi ni Batangas City PNP Acting Chief Pol. Supt. Norberto Delmas na may kabuuang 5,560 drug personalities sa lungsod sa kasalukuyan kung saan 1,654 ang pushers at 3,906 ang users. Umabot sa 4,735 ang drug surrenderers, 1,089 ang pushers at 3,646 ang users.
Ayon pa rin sa kanyang presentation, sa 105 barangay sa lungsod, may anim na barangay ang unaffected o walang napapaulat na drug activities at ito ay kinabibilangan ng Poblacion 3, Poblacion 16, Maapaz, Malalim, Sirang Lupa at San Andres. May 15 barangay naman ang moderately affected at 84 ang slightly affected.
Ipinabatid naman ni Father Aurelio Oscar Dimaapi ang gawain ng simbahan para sa mga drug surrenderers sa pamamagitan ng evangelization ng Neocathecumenal Way sa may 200 drug surrenderers ng Barangay Cuta sa JAPMES sa June 18.
Iminungkahi ni City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola na dumalo ang council sa nasabing event ng simbahan at gawing pilot barangay ang Cuta ng mga gawain ng council.
Kabilang sa mga community-based activities na nabuo ng council ay ang screening at assessment ng mga drug surrenderers na may endorsement ng Batangas City PNP kung saan ito ay gagawin ng CHO upang malaman kung sila ay mild, moderate o severe users ng droga. Kasama rin dito ang counselling, community evangelization, community service, physical fitness, Alternative Learning System , livelihood at skills training sa TESDA. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.