- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CDRRMC tinalakay ang mga hakbang upang mapalakas ang disaster preparedness
- Details
- Friday, 02 June 2017 - 3:18:17 PM
BATANGAS CITY-Magsasagawa a ng MERALCO ng bundling ng kanilang mga wires kasama ang mga telecommunication companies upang mawala na ang mga nakalaylay na wires sa kalye , na hindi lamang eyesores kundi maaring magdulot ng aksidente lalo sa panahon ng kalamidad.
Ito ang sinabi ni Engr. Joses Manalaysay, Sales and Relationship Management Officer ng Meralco sa second quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.
“Ang mga priority areas ng gagawing bundling ng wires ay sa Rizal Avenue, D. Silang, M.H. del Pilar, sa may Lion’s Marker at sa may University of Batangas,” sabi ni Manalaysay. Ayon kay City Engineer Adela Hernandez, nakipagpulong sila sa mga kinatawan ng Meralco at mga telecommunication companies upang maaksiyunan na ang mga naghambalang wires.
Ipinabatid din ni Engr. Manalaysay na inaalis na rin nila ang kanilang mga poste sa mga kalsadang tapos na ang widening na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit ito ay isang matagal na proseso dahilan sa buong bansa ang road widening na ito kung kayat maraming manhours ang kakailanganin ng nasabing kompanya upang mai relocate ang mga poste.
Nag-ulat naman ng kanilang mga accomplishment report sina City DILG Director Amor San Gabriel, chairman- Committee on Disaster Preparedness; Engr. Adela Hernandez, chairman-Committee on Disaster Prevention and Mitigation; Mrs. Mila Española, chairman-Committee on Disaster Response at Engr. Januario Godoy, chairman-Committee on Rehabilitation and Recovery.
Ayon kay San Gabriel,” kailangang mag harmonize ang plans at programs ng CDRRMC at ng Peace and Order Council dahilan sa vulnerable din sa terrorist attack ang Batangas City lalo at malapit ito sa Metro Manila at mayroon ding karagatan na posibleng daanan ng mga terorista.” Tiniyak naman ng kinatawan ng Batangas City PNP at Philippine Coast Guard na sila ay nasa alert status at kumikilos para sa seguridad ng lungsod.
Nagpasalamat si Engr. Hernandez hindi lamang sa ginawang road widening ng DPWH kundi sa construction at rehabilitation ng mga drainage system na malaking tulong sa flood mitigation. Binanggit din niya ang ginagawang paglilinis ng CEO ng mga canal at outfall upang maibsan o maiwasan ang pagbaha.
Binanggit din ni CDRRMO chief Rodrigo de le Roca ang kakulangan ng mga ospital sa tents at generators kagaya ng naranasan ng magkaaroon ng sunod sunod na lindol sa Batangas City kung saan inilabas ang mga pasyente para sa kaligtasan ng mga ito.
Nanawagan naman ang kinatawan ng Bureau of Fire Protection sa mga tao ng huwag i padlock ang mga fire exits dahilan sa baka may ma trap at mamatay kung magkaroon ng sunog sa bahay o sa gusali. Hindi rin dapat ilagay ang mga fire hydrants sa lugar na nakahambala sa mga daanan. (PIO BATANGAS CITY)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.