- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, Ipinagdiriwang
- Details
- Monday, 17 July 2017 - 4:17:17 PM
Ipinagdiriwang sa Batangas City ang 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may may temang “Karapatan at Pribilehiyo ng may Kapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban!” mula July 17-27 sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain para sa kapakanan ng mga Persons with Disability(PWDs).
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Basilica of the Immaculate Conception kasunod ang floral offering kay Apolinario Mabini nina City Social Welfare and Development Office head Mila Espanola at mga officers ng PWD Federation.
Mula July 17-19, magkakaroon ng Self and Social Enhancement cum Community Evangelization/Spiritual Development na lalahukan ng mga SPED students at kanilang mga magulang.
Nakatakdang gawin ang Art Painting Workshop sa July 24 sa Batangas City East Elementary School.
Magkakaroon din ng Forum on Updates of Republic Act 10754 o An Act Expanding the Benefits and Privileges for Persons with Disability under RA 9442 (Magna Carta for PWDs) sa July 25 na gaganapin sa Teachers Conference Center para sa mga Chairman ng Committee on Social Services ng 105 barangays ng lungsod habang ang forum on Sutainable Livelihood Program para sa SPED students at mga magulang ng mga ito ay isasagawa sa Batangas City Convention Center.
Muli naman nilang bubuhayin ang mga katutubong laro sa Palarong Pinoy sa July 27 sa Batangas City Convention Center. Sa araw ding ito itatampok ang dance performances at contest (folk at modern dance) at display ng Likhang Produkto ng mga May K sa Convention Center. May free massage din para sa mga makikiisa sa kanilang selebrasyon.
Ayon kay Wilson Barte, presidente ng PWD Federation sa lungsod, mayroon aniya silang humigit kumulang sa 2,000 myembro. Ang naturang mga gawain ay alinsunod na rin sa layunin ng samahan na mai-mainstream ang mga PWD sa komunidad.
Payo niya sa mga PWDs na huwag mahiya sapagkat mayroon silang angking kakayahan at talento na kailangan lamang gabyan at suportahan ng mga tao sa kanilang paligid. “Hindi namin kailangan ng awa, ang kailangan namin ay pang-unawa,” ani Barte. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.