- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bats. City Police nominado bilang Best Component Police Station
- Details
- Thursday, 20 July 2017 - 4:07:35 PM
Isa ang Batangas City Police Station sa tatlong nominado bilang Best Component Police Station sa buong bansa dahil sa maayos na pamamahala ng tanggapan at mahusay na pagtupad sa tungkulin ng mga tauhan nito.
Kamakailan ay bumisita sa Batangas City Police Station ang mga miyembro ng field evaluation team sa pangunguna ni PCSupt Elmer Escosia kung saan tiningnan at ni-review nila ang mga records at dokumento ng bawat seksyon ng police station.
Nagsagawa rin ang evaluation team ng random interview sa mga police personnel upang alamin ang kanilang kahandaan at kaalaman sa kanilang tungkulin. Ininspeksyon din nila ang kalinisan ng istasyon ng pulis.
Ipinaalam naman ni Batangas City PNP Chief, PSupt. Norberto Delmas ang mga best practices ng police station, partikular ang epektibong implementasyon ng Peace and Order Agenda for Transformation and upholding the Rule of Law o P.A.T.R.O.L 2030 na kabuuan ng mga programa ng kapulisan para sa pangangalaga ng katahimikan at kaayusan ng komunidad.
Ang Search for Best Component City Police Station in the Philippines ay inilunsad ng Philippine National Police para mahikayat at kilalanin ang katangi-tanging performance ng kapulisan at epektibong pagpapatupad ng mga programa nito.
Nauna rito ay binisita rin ang Batangas City Police Station ng evaluation team para sa Search for Best City Police Strategy Management Unit (BCPRMU) kung saan malaking konstribusyon ang magandang performance at maayos na filing ng mga records at dokumento ng istasyon para kilalanin ang PNP Region IV bilang isa sa tatlong Best Police Strategy Management Unit.
Nakatakdang isagawa sa Agosto ang awarding ceremony para sa mga naturang kumpetisyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng Police Service. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.