PATIMPALAK PARANGAL KAY APOLINARIO MABINI

  mabini1.jpg mabini2.jpg mabini3.jpg mabini4.jpg mabini5.jpg

Sa pagdiriwang ng kapanganakan ng bayaning si Apolinario Mabini sa July 23, muling isinagawa ng pamahalaaang lungsod ng Batangas ang Patimpalak Parangal para kay Mabini noong ika-20 ng Hulyo sa Batangas City Convention Center hindi lamang upang alalahin ang kanyang kabayanihan kundi upang ipagmalaki ang kulturang Batangueño.

Ang piyesa ng mga awitin sa patimpalak na ito ay likha ng mga Batanguenong kompositor upang mai showcase ang kanilang kontribusyon sa pagyabong ng lokal na kultura. Ang kumpetisyon ay naka sentro sa temang “Ipagdiwang Diwa ni Mabini:Diwang Batangueño”.

Sa taong ito, may limang kategorya ang kompetisyon sa pag-awit kung saan ang pyesa sa vocal ensemble/treble arrangement sa elementarya ay ang “Magtipon sa Tahanan ng Diyos” ni Augusto Espino.

Para naman sa solo sa secondary, ang pyesa ay ang sikat na awiting “May Bukas Pa” ni Charo Unite habang ang awiting “ Diwa ng Bagumbayan” ni Lorenzo Ilustre ang sa dueto sa senior high school/post secondary.

Ang awiting “Laki sa Layaw” ni Isaias Argente ang pinaglabanan sa tertiary division at nagtagisan naman ng galing ang mga guro sa faculty category sa pag-awit ng Munting Mundo” ni Ryan Cayabyab.

Sa pag awit ng solo sa secondary, naging kampeon ang kinatawan ng Sto Nino National HS, 2nd ang Sta Teresa College (STC) at 3rd ang Batangas National Highschool.

Sa dueto, kampeon ang Saint Bridget College(SBC), 2nd ang Saint Joseph College of Rosario, Batangas Inc. at 3rd ang Cristo Rey Institute for Career Development..

Sa elementarya, 1st ang Balagtas Elementary School. 2nd ang SBC at 3rd ang University of Batangas(UB).

Sa solo sa tertiary, 1st ang Sta.Teresa College, 2nd ang UB habang pangatlo ang SBC.

At sa kategorya ng faculty, 1st ang mga guro ng SBC, 2nd ang BANAHIS at 3rd ang St Mary’s Educational Institute .

Ayon kay Espino na isa mga miyembro ng mga hurado, proud siya na mapabilang ang kanyang awitin sa naturang kompetisyon. Napaka talented aniya ng mga Batangueno at payo niya na kailangang hasain pa sa ibayong pagsasanay upang mapagbuti pa ng mga kalahok ang kanilang istilo at teknik sa pag-awit at ng makipagsabayan sa higher level ng choral singing dahil very competitive aniya sa choral world. “Keep on working hard at remain grounded dahil habang gumagaling, lalong dapat maging humble dahil ito aniya ang susi ng tagumpay, dagdag pa ni Espino.(PIO Batangas City)