- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga magsasaka binigyan ng mga libreng makinarya at kagamitan
- Details
- Friday, 04 August 2017 - 11:29:40 AM
Malaking suporta sa pagpapalago ng agrikultura ng lungsod ang mga bagong makinarya at kagamitan na libreng ipinamigay ng pamahalaang lungsosd at ng Department of Agriculture(DA) sa ilang mga magsasaka upang mapalaki ang kanilang produksyon at kabuhayan.
Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang turn over ceremony ng mga gamit sa pagsasakang ito noong ika-4 ng Agosto sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Congressman Marino, pinagkalooban ng DA ng corn planter at four-wheeled drive farm tractor ang mga corn growers. Ito ay malaking tulong sa Yellow Corn Self Sufficiency Program ng OCVAS.
Ang limang multi-purpose shredders ay ipinagkaloob sa mga magsasaka ng San Jose Sico, San Pedro at Tabangao Dao. Pinagkaloaoban din nito ang Bolbok Elementary School at ang Lingap Pangarap ng mga Paslit Center Inc (LPPCI) na nagsasagawa ng backyard gardening.
Ayon kay Flora Andal, assistant city agriculturist, gagamitin ang multi-purpose shredder sa vermicomposting upang mapalago ang organic farming na isinusulong ng OCVAS. “Kung talagang gagawing sustainable ang organic farming, dapat matuto ang mga farmers ng vermicomposting at hindi yung hihingi na lang ng organic fertilizer sa OCVAS. Yakapin sana nila at pangalagaan ang mga ibinigay na makinarya at equipment na ito,” dagdag pa ni Andal.
Ang mga Rural Improvement Club(RIC) members naman ay binigyan ng vacuum sealer at coffee grinder upang gamitin sa kanilang negosyo.
Isinagawa din ang blessing ng farm workshop at machinery shed na magsisilbing stockroom ng mga kagamitan ng OCVAS. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.