- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City PNP, nanguna sa lalawigan sa kampanya laban sa droga
- Details
- Monday, 07 August 2017 - 2:07:32 PM
Tinanghal na Top 1 Performing Police Station (City Police Station Category) ang Batangas City PNP sa Campaign Plan Double Barrel para sa 2nd Quarter CY 2017 kaugnay ng Illegal Drug Campaign Project Double Barrel-Reloaded ng Philippine National Police (PNP).
Ang plaque of recognition ay ipinagkaloob ni Pol. Senior Supt. at Acting Provincial Director Randy Peralta noong ika-24 ng Hulyo sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa Camp Miguel Malvar.
Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ni Batangas City PNP Chief Police Supt. Norberto Delmas sa kanyang mga tauhan sa sipag at gilas na ipinamalas ng mga ito sa pagtupad sa kanilang tungkulin kahit aniya sa maikling panahon pa lamang ng kanyang panunungkulan sa lungsod.
“Ang human resource ang edge namin sa ibang station sapagkat kahit kulang ang manpower dito, lahat naman ay nagtatrabaho,” sabi ni Delmas.
Patuloy din aniya ang kanilang mga isinasagawang capability-enhancement training upang mapag-ibayo ang kakayahan ng kanilang mga tauhan sa pagpapatupad ng batas.
Hiningi niya ang patuloy na suporta ng publiko laban sa illegal na droga at sinabing gagawin niya ang lahat upang hindi mabigo ang kanyang magandang hangarin para sa katahimikan ng lungsod gayundin ang kaligtasan ng mga mamamayan nito.
Ang double barrel alpha program ay mas malawak na operasyon laban sa droga kung saan binibisita ang mga barangay, malls, kulungan, paaralan at iba pang lugar kung saan maraming tao.
Ito aniya ay binubuo ng upper barrel na kinabibilangan ng mga national operating support units tulad ng PDEA at NBI na lumalaban sa malalaking sindikato at pumupuksa sa mga drug laboratories at mga international drug syndicate habang ang lower barrel naman ay kinabibilangan ng oplan tokhang at taphang para sa mga street level.
Ito ay sinimulan noong July 1, 2016 at mas lalo pang pinaigting sa kasalukuyan ng administrasyong Duterte. Ang certificate ay iniabot ni City Administrator Narciso Macarandang kay Pol Supt. Delmas bilang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.