- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CSWDO may programa para sa mga street children
- Details
- Tuesday, 15 August 2017 - 11:40:20 AM
Tuloy tuloy ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa implementasyon ng Sagip Kalinga sa mga Bata Program na tumutulong sa mga bata upang maiangat ang kanilang buhay, gumagabay at nagbibigay proteksyon sa kanila laban sa panganib ng lipunan at pang-aabuso. Kabilang sa sektor na kinakalinga ng programa ay ang mga mga batang nasa panganib at mahihina (child most at risk and vulnerable); rugby boys; street children; child laborer; nangangalkal ng basura at mga nanlilimos na mga Bajau.
May regular monitoring at surveillance ang CSWDO katulong ang kapulisan at mga community peace volunteer groups sa mga batang ito. Ang mga nakikitang gumagala sa kalye sa delikadong oras ay pansamantalang kinakalinga sa kanilang tanggapan at ibinabalik sa kanilang pamilya at komunidad matapos sumailalim sa medical check-up, counseling service, family case management at iba pa upang maturuan ng tamang pag-uugali at maging kapaki pakinabang na indibidwal. May ugnayan rin ang CSWDO at barangay oficials para sa tamang pagbabalik ng mga bata sa kanilang pamilya.
Kung hindi naman residente ng lungsod ang mga magulang ng bata, nakikipag ugnayan ang CSWDO sa lokal na tanggapan ng social welfare sa kanilang bayan.
Simula 2015, nagpatupad ang CSWDO ng mga livelihood projects para sa pamilya ng mga batang nailigtas sa kalye. Kabilang dito ay ang pagkakaloob ng eco-bike para sa 10 pamilya na ngayon ay ginagamit sa pagtitinda.
Binibigyan din ng CSWDO ng educational assistance ang mga kabataang nasa child placement agency at home temporary shelter habang sumasailalim sila sa psycho- social services kagaya ng capability- building seminar, therapeutic activities, educational tour at iba pa upang matulungan silang magbago para maibalik sa kanilang pamilya at maging responsableng mamamayan ng komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.