- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Drug-Free Batangas City Ordinance ipinasa
- Details
- Wednesday, 16 August 2017 - 10:20:16 AM
Lahat ng mga aplikante sa trabaho sa Batangas City ay kinakailangang sumailalim sa mandatory drug testing alinsunod sa Drug-Free City Ordinance na ipinasa ng Sangguniang Palungsod nitong August 15.
Ang lahat ng employers kasama na ang mga government offices, agencies at government-owned and controlled corporations ay obligadong gawing pre-employment requirement sa lahat ng mga applicants ang pagsusumite ng drug test clearance na issued ng pamahalaan o government-accredited drug testing facilities. Walang application ang tatanggapin o ipoproseso para sa job placement ng walang naisumiteng clearance.
Kailangan ding magsagawa ang mga employers ng random drug testing ng mga empleyado nito dalawang beses isang taon, o mahigit pa kung sa tingin ng employer ito ay nararapat o kaya ay segun sa rekomendasyon ng PNP, City Anti-Drug Abuse Council(CADAC), at PDEA. Ang employer ay kailangang maglaan ng sapat na pondo para sa random drug testing ng kanilang mga empleyado.
Isa na ring requirement sa pagkuha ng business permit ang pagsumite ng Drug-Free Workplace Certificate.
Ang mga employers ng nakapagsagawa ng random drug test ng kanilang mga empleyado at kung ang mga ito ay cleared ng drug-testing facility ay bibigyan ng Drug-Free Workplace Certificate ng CADAC.
Ang lahat ng government offices, agencies at government-owned and controlled corporations sa lungsod ay kailangang i promote and drug-free workplace at magkaroon ng policies at programs para sa drug abuse prevention dito.
Ipinag-uutos din ang pagbubuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na magbabalangkas at magpapatupad ng kanilang drug abuse prevention and rehabilitation program.
Ang mga ito rin ang magpapatupad ng mga programa ng CADAC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa kanilang lugar.
Kailangan naman ng compulsory registration sa lahat ng bagong residente sa barangay kasama na ang mga non-permanent residents kagaya ng transients, boarders, mga nangungupahan, lessees, at mga visitors na magtatagal ng 7 o higit pang araw sa barangay. Tungkulin ng owner, lessor o host ng mga bagong residenteng tumitigil sa kanilang bahay o property ang pagpaparehistro sa kanila sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang birth certificate o anumang pagkakakilanlan sa barangay authorities. Kailangan ding ipaalam ng mga hosts/owners and kanilang pangalan at address.
Ang barangay ang responsible sa pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa pagkakaroon ng hinihinalang drug laboratories at iba pang illegal drug activities o mga farms, lands, at properties na tinataniman ng mga halamang pwedeng pagkunan ng ipinagbabawal na gamot at ang pagtulong sa pagsira o disposisyon ng mga ito. Dapat din itong magsumite ng compliance report sa ipinag-uutos ng ordinansang ito at isumite ito sa CADAC na sa pakikipag-ugnayan sa PNP ang siyang mag be verify ng nilalaman ng compliance report at siyang mag i issue ng barangay certification na nagpapatunay na ang barangay ay drug-free. Ang non-compliance sa ordinansang ito ay mangangahulugan ng disciplinary action sa mga barangay authorities dahil sa hindi pagtupad sa tungkulin.
Ang lahat ng public at private schools ay kaliangang magsagawa ng education at awareness campaign tungkol sa epekto ng droga at kung papaano ito labanan o iwasan at magmonitor sa mga estudyanteng pinaghihinalaang gumagamit ng droga. Ang lahat ng mga school heads at teachers ay itinuturing na persons in authority na binibigyan ng kapangyarihan na arestuhin o ipa aresto ang sinumang mahuhuling gumagamit o nagbebenta ng droga sa paaralan at paligid nito.
Ayon sa ordinansang ito na akda nina Konsehal Dondon Dimacuha at Armando Lazarte, dinedeklarang isang polisiya ng pamahalaang lungsod na i promote ang drug-free city upang maseguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, mapanatili ang katahimikan at kaayusan at maiiwas ang mga kabataan sa droga.
Ito ay susuporta rin sa layunin ng City Anti-Drug Abuse Council(CADAC). (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.