Bagong registered business establishments dumami ngayong 2017

  1.jpg 2.jpg

Tumaas ang bilang ng mga bagong registered business establishments sa Batangas City ngayong 2017 kung saan ito ay umabot sa 1,715 kumpara noong 2016 na umabot lamang sa 1527.

Ayon sa pinuno ng Business Permit and Licensing Office na si Ditas Rivera, karamihan sa mga bagong business establishments na ito ay mga retailers at real estate lessors. Bukod sa mga bagong investments, sinabi ni Rivera na ang pagtaas ng bilang ng mga registered business establishments ay bunga ng regular na inspection ng kanyang staff upang malaman kung ang lahat ng nag-ooperate na negosyo ay may business permit.

Sinabi ni Rivera na mas maganda ngayon ang kanilang online registration para sa convenience ng mga business applicants. “Kailangan lamang na compliant ang negosyo sa mga regulatory offices kasama na ang national agencies.”

Upang makapag register online, buksan ang browser sa www.batangascity.gov.ph. Upang lalong ma streamline ang operation ng Business-One-Stop-Shop, dito na ang assessment na dati ay nasa City Treasurer’s Office alinsunod sa Ordinance No. 18 S. 2016 o An Ordinance Amending Chapter 11, Sec. 6 of Ordinance No. 18 S. 2008 o ang The Batangas City Revenue Code of 2009. Nakasaad sa ordinansang ito na ang computation ng City Mayor’s Permit at iba pang charges, fees o ano pa mang levies kaugnay sa permit ay kailangang i compute ng BPLO. (PIO Batangas City.)