- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bawal ng magpaputok sa harap ng bahay
- Details
- Monday, 11 December 2017 - 5:22:00 PM
BATANGAS City- Mahigpit na ipagbabawal ngayon ang pagpapaputok sa harap ng bahay sa pagdating ng Bagong Taon alinsunod sa Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ipinahayag ni Batangas City Police Superintendent Wildemar Tan Tiu sa 3rd Fireworks and Pyrotechnics Regulatory Offices and Vendors Meeting nitong December 11 sa pangunguna ng Batangas City Police Station.
Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Executive Order 28, pwede lamang magpaputok sa mga lugar na itinalaga ng local na pamahalaan o ng barangay kung saan ito ay dapat malayo sa mga kabahayan. Pwede naman sa harap ng bahay ang mga fireworks display kagaya ng lusis, fountain at iba pa.
Upang makapagtinda naman ng mga fireworks display, kailangang kumuha muna ng Mayor’s permit kung saan dapat may indorsement ng hepe ng pulis at pagkatapos ay permit sa Camp Crame. Kapag may ilegal namang magbenta ng paputok sa mga menor de edad, aalamin kung sino ang nagbenta at siyang papatawan ng kaukulang kaparusahan. Mahalaga din ang distansiya ng mga tindahan sa mga bodega upang maiwasan ang pagkakadamay ng ibang pasilidad kung sakaling may pumutok at magkasunog. Tinalakay din ang safety measures na kanilang patatatagin.
Nagpahayag naman ng pakikiisa ang mga verndors sa ipinatutupad ng batas na ito. Sa ngayon ay wala pang lugar na itinalaga ang pamahalaang lungsod kung saan pwedeng magbenta ng mga fireworks display at paputok.
Sinabi ni Tiu na “lahat po ay dapat magtulong-tulong dahil gusto natin masaya, maligaya, at ligtas ang bawat isang Pilipino sa pagsalubong ng Bagong Taon.” Nais din nilang mapalawak ang public awareness sa mga rules at regulations tungkol sa manufacture, sale at paggamit ng fireworks.
Payo ng mga awtoridad na gumamit na lang ng torotot, musika, kaldero at iba pang gamit sa bahay na pampaingay. Bukod sa menos gastos, ligtas din itong paraan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng parusang pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon, multang P20,000 o hindi lalampas sa P30,000.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.