- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Exhibit at awarding ng mga natatanging magsasaka tampok sa 1st Farmers and Cooperators Day
- Details
- Monday, 11 December 2017 - 5:22:00 PM
Isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS) ang 1st Farmers and Cooperators Day noong ika-7 ng Disyembre sa ground ng kanilang opisina upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagpapalago ng agrikultura.
Ayon sa OIC ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla, maraming natanggap na awards hindi lamang ang mga magsasaka at kooperatiba kundi ang OCVAS kayat dapat ipagdiwang ang mga tagumpay na ito.
Nagpahayag naman ng pagsuporta sa sektor ng agrikultura si Konsehal Sergie Atienza na siyang chairman ng Committee on Agriculture and Cooperatives ng Sangguniang Panlungsod.
Nagkaroon ng exhibit ng mga produkto ng mga miyembro ng Rural Improvement Club kagaya ng honey, kakanin, tinapay, mushroom chicharon, mani, banana chips at iba pa na mabibili sa murang halaga. Meron ding mga gawang suka, bagoong, mga prutas, turmeric at iba pang produkto ng ilang magsasaka.
Nagsagawa rin ng mga pagsasanay sa paghahayupan at paghahalaman.
.Sa ikalawang bahagi naman ng programa, iginawad ang katibayan sa may 21 residente ng barangay Conde Itaas na nagsipagtapos sa Farmers’ Field School. Dito ay tinuruan sila kung paano ang organikong paraan ng pagtatanim at ang paggamit ng organikong pataba at pamatay kulisap sa pangangasiwa ng mga tauhan ng Crops Division ng OCVAS.
May 157 namang kababaihan ng barangay Talahib Pandayan ang nagsipagtapos sa Rural Improvement Club (RIC) kung saan tinuruan sila ng mga kawani ng Home Extension Division ng pagsasanay sa meat processing, soap making, candle at rag making at iba pa.
Nagpahayag ng ibayong suporta sa pagpapalago ng agrikultura ng lungsod si Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.
“Ibahagi ninyo sa iba ang inyong natutunan sa mga pagsasanay at hikayatin ang inyong mga anak na ipagpatuloy ang pagsasaka sapagkat mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magsasaka sa lipunan, sabi ni Dimacuha,” sabi ni Dimacuha.
Sinabi naman ni Marino na magpapatuloy siya sa pagsusulong ng mga proyekto partikular sa pagpapaganda ng mga daan na makakatulong upang mas mabilis na madala sa merkado ang kanilang mga produkto.
Pinagkalooban ng OCVAS sina Dimacuha at Marino ng plaque of appreciation sa suportang ipinagkakaloob ng mga ito sa kanilang proyekto.
Ginawaran ng parangal ang nanalong Outstanding Corn Farmer na si Felimon Permejo; Outstanding Farmer for High Value Commercial Crops si Victor Malibiran at Outstanding Backyard Raiser si Javier Casas. Sila ay tumanggap ng plake at P 2,000 cash prize.
Nag-uwi naman ng plake at cash prize na P 3,000 ang Sorosoro Multi-purpose and Allied Service Cooperative na nagwagi bilang Oustanding Cooperative for Agribusiness; Outstanding RIC Organization ang barangay Pallocan West RIC at Outstanding Barangay Agricultural and Fishery Council (BAFC) ang Sorosoro Ibaba BAFC.
Ayon kay Monte Manalo na ang pamilya ay nahirang na Outstanding Farm Family, bata pa lamang ay tinuturuan na niya ang kanyang mga anak na edad 9, 12 at 15 ng pagtatanim. ”Tulong tulong kami sa pag-aalaga ng aming mga gulayin, dagdag pa ni Manalo. Ayon sa bunsong anak na si Kathlyn, sa halip na maglaro ay mas hilig niya ang tumulong sa kanyang mga magulang upang magtanim.
Para naman kay Vic Arellano na pangulo ng Batangas City Corn Growers Association na nagwaging Outstanding Farmers Organization, ang pagtutulungan ng samahan ang susi ng kanilang pagkapanalo at dahilan ng pag-unlad o pagtaas ng kanilang produksyon ng mais. Mula aniya sa dating dalawang toneladang naani kada taon na nagsimula noong 2002, sila ngayon ay umaani ng siyam na tonelada.
Sa okasyon ding ito ipinagkaloob ang premyo sa mga nanalo sa Pasiklaban 2017. Nanalo ang cheesy talong de paborita nina Chona Salome at Suzette Diomampo ng Pallocan West; ang cassava suman sa dahon ng niyog ni Feliza Zapata ng Talahib Pandayan; ang sinukmani ni Elena Beredo ng Talahib Pandayan sa inobasyon sa pakaskas at ang leche flan naman ni Alicia Gonzales at Annabelle Rad ng Sorosoro Ibaba/Ilaya sa pagluluto gamit ang gatas ng baka.
Pumili din ng Pinaka sa mga gulay na dala ng mga magsasaka tulad ng pinakamalaking sitaw, kalabasa, papaya, cassava, saba, talong at pinakamalaking native chicken.
Sa ikatlong bahagi ng programa ay namahagi ng mga gamit na pang-agrikultura at pampangisdaan sa mga magsasaka, mangingisda at mga samahan.
Tumanggap ang CAFC ng multi-tilling machine, cultivator para sa mga vegetable grower at product label para sa mga RIC.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.