Batangas City nanalo ng national award bilang 2nd place sa best disaster preparedness council

  1.jpg

Nanalo ang Batangas City ng  2nd place bilang may  Best City Disaster Risk Reduction and Management Council (Independent Component City Category) sa 19th Gawad Kalasag National Awards na iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense.

Tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha kasama ang miyembro ng (CDRRMC ang  tropeo  sa awarding ceremony noong December 11.

Nakuha ng Batangas City ang  2nd place dahilan  sa   natatanging implementasyon  ng mga disaster management programs at projects upang magkaroon ng resilient at sustainable comunity; tapat at naaayon sa batas na paggamit ng pananalapi at lahat ng kagamitan ng pamahalaang lungsod; nananatiling pinakamusay na serbisyo ang ipinagkakaloob sa lahat ng aspesto ng DRRM; at ang pagkakaroon ng gender responsive evacuation center na may kumpletong pasilidad tulad ng breast feeding, couple’s room at iba pa ayon sa itinalagang standard ng NDRRMC at OCD. Ang evacuation center ay  kayang maglaman ng mahigit sa 3,000, evacuees.

Ang Batangas City ay isa sa tatlong lungsod sa buong Pilipinas  na naging kwalipikado sa 2017 national search ng  Gawad Kalasag matapos manalo ito bilang Best CDRRMC sa buong rehiyon  kung saan nakakuha ang Batangas City ng 99 points.

Ang Gawad Kalasag ang pinakamataas ng parangal na ipinagkakaloob ng pamahalaang nasyonal sa mga local government units na pinakamagaling sa lahat ng aspeto ng disaster preparedness. (PIO Batangas City)