- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Libreng titulo ipinagkaloob sa may 22 patentees
- Details
- Thursday, 14 December 2017 - 5:22:00 PM
May 22 lot owners ang nabigyan ng libreng titulo sa Mas Pinalawak na Progrma ng Handog Titulo ni Mayor Beverley Dimacuha para sa mga Batangueño ngayong December 14 sa Batangas City Convention Center.
Ang awarding of titles sa mga lot owners ay pinangunahan nila Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño. Ito ang fourth batch ng mga patentees na may kabuuang dami na 111 mula ng ipatupad ito ni dating Mayor Eduardo Berberabe.
Ayon kay Mayor Dimacuha, isa ang Batangas City sa may best practices sa land management at isa sa mga iilan lamang na local government units na nagpapatupad ng Republic Act No. 10023 o The Act Authorising the Issuance of Free Patents to Residential Lands.
Sinabi naman ng hepe ng City Enro na si Oliver Gonzales na mas pinalawak ang nasabing programa sapagkat bukod sa pagpapatitulo ng lupa ay ang kanilang opisina na rin ang nagsasagawa ng survey ng mga lote at iba pang mga requirements para sa pagpapatitulo na ibinibigay ng libre.
Binigyang diin ni Henry Pacis, assistant director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Management Bureau na ang programang ito ay “susi para magtagumpay ang programa ng national government. Dapat tulong tulong tayo ng local government. Naiiba ang pagtulong ng Batangas City sa programang ito dahil yung logistics and resources na ibinabahagi ng Batangas City ay malaki kumpara sa ibang lugar.”
Malaki aniya ang role ng titling sa pag-uland ng pamayanan. Ang mga negosyante ay malaki ang kumpiyansa pag malinis ang title ng lupa, mabilis ang transfer at transaction. “Hindi lang sa pagnenegosyo, kahit sa pagpaplano, sa comprehensive land use plan, kailangan din ng kasiguruhan sa lupa,” dagdag pa ni Pacis.
Isa sa mga patentees ay ang mag-asawang Archie at Filipina del Rosario na ang residential lot sa Barangay Cuta ay may sukat na 100 square meters. Ayon kay Archie, ang handog na ito ay “malaking ginhawa sa mga tao, malaking tulong dahil lahat halos ng dapat gawin para makapagpatitulo ng lupa ay ginawa na ng city government.”
Nagpapasalamat naman ang mag-asawang Generoso at Belen de Torres, may- ari ng 3,845 square meter-lot sa Tingga Itaas sapagkat masasabing sa kanila na ang kanilang lupa matapos silang makaranas ng panloloko ng mga taong pinagkatiwalaan nilang mag-intindi ng titling ng kanilang lupa. (PIO BATANGAS CITY)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.