- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City isa sa mga best sa PPP
- Details
- Friday, 15 December 2017 - 5:22:00 PM
Napili ang Grand Terminal ng Batangas City bilang isa sa Top 10 Best Public Private Partnership (PPP) projects sa buong bansa.
Tumanggap ng award ang Batangas City dahil sa kontribusyon nito sa pagsusulong ng “ local economic development” sa pamamagitan ng PPP nito sa Batangas Ventures Properties and Management Corporation (BVPMC) sa implementasyon ng Multi-purpose Transport Terminal.
Layunin ng naturang award na nasa ilalim ng PPP for the People Initiative for Local Governments (LGU P4) ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bigyang pagkilala ang mga LGUs na pinalalakas ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagbibigay ng basic services sa publiko.
Ang parangal ay personal na tinanggap nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Selah Garden Hotel sa Pasay City noong ika-8 ng Disyembre.
Noong Agosto 2014 ng pumasok sa isang PPP ang pamahalaang lungsod at ang BVPMC upang ang huli ang magsagawa ng konstruksyon at operasyon ng nasabing terminal.
Bago ito, si dating Mayor Vilma Dimacuha ang nagbigay daan para sa PPP project na ito ng ipasara niya ang ilegal terminal sa Balagtas at nagdesisyong magkaroon ng isang terminal sa Bolbok-Alangilan Port Diversion Road. Ito ay upang magkaroon ng isang terminal para sa lahat ng buses at jeep at maibsan ang traffic congestion na pinalala ng terminal ng buses sa mga tabi ng kalsada.
Noong una ay ang city government ang namamahala sa Grand Terminal subalit ng maging mahirap ang operasyon, nagdesisyon ito na ilipat ang operasyon sa private sector.
Nakasaad sa PPP na walang gagastusin ang pamahalaang lungsod sa development ng terminal. Ayon sa contract of lease, ang BVPMC ang gagastos sa lahat ng development ng mga properties na sakop ng grand terminal.
Nakikinabang din ang pamahalaang lungsod sa business permit, lease ng 1.3 hectare lot nito at sa real estate tax. Ang lease ng lote ay sa loob ng 25 taon. Bumili rin ng karagdagang 6.2- hectare lot ang BVPMC para sa expansion at development ng terminal.
Ayon kay Cecile Mendoza, Officer in Charge ng BVPMC, hindi sila nagulat na makamit ng lungsod ang naturang award sapagkat tulad aniya ng sa lokal na pamahalaan ang kanilang “desire” na maglingkod sa publiko kung kayat ibinuhos nilang lahat ang kanilang resources at pagmamahal sa naturang proyekto. “ We thank them sa trust and confidence they gave us in responding to the needs of the riding public,” sabi ni Mendoza.
Ibinalita ni Mendoza na nasa Phase 2 na ang konstruksyon ng Batangas City Grand Terminal.
Nakalipat na aniya sa final departure at arrival area ang mga bus gayundin ang kanilang mga tenants. May 26 na bus ang nagbabyahe na ang ruta ay mula dito papuntang Maynila at sa iba pang karatig bayan sa lalawigan. Komportable na ang paghihintay ng mga byahero dahil sa malinis na mga comfort rooms, small restaurants at magandang kalsada.
Idinagdag pa niya na sa kasalukuyan ay sinisimulan nang i-develop ang commercial area na inaasahang magbibigay ng karagdagang trabaho para sa mga mamamayan at income para sa city.
“The Grand Terminal will soon be a place to go dahil sa mga itatayong shopping malls, chain of restaurants at iba pang atraksyon,” dagdag pa ni Mendoza.
Bukod sa Centro Mall, magsisimula na din ang konstruksyon ng Shopwise Supermarket ng Rustan’s Group of Companies sa Pebrero ng susunod na taon.
Magkakaroon din aniya ng byahe ng bus mula Batangas patungong Baguio at Batangas –Caticlan.
Siniguro din ni Mendoza ang kaligtasan ng mga mananakay dahil sa full security force na kanilang ipinatutupad . Marami aniyang CCTV cameras ang nakapalibot sa terminal kung saan nakikita ang galaw ng mga tao at ng mga sasakyan dito.
May 24- hour maintenance team din sila upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran ng terminal.
Sinimulan ang Phase 2 noong Marso 2017 at inaasahang matatapos sa susunod na taon dahil na rin sa laki ng lugar at sa lawak ng proyekto.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.