- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City PNP dapat propesyunal at tapat sa paglilingkod-Tiu
- Details
- Monday, 08 January 2018 - 4:23:17 PM
Binati at pinasalamatan ni Batangas City PNP Chief PSupt. Wildemar T. Tiu ang may 167 tauhan ng pulisya sa Traditional PNP New Year’s Call dahilan sa tahimik na Christmas at New Year celebration at nanawagan sa mga ito na manatiling propesyunal at tapat sa paglilingkod.
Ayon kay PSupt Tiu, dahil sa mahigpit na implementasyon at monitoring ng pulisya sa EO 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng lugar para magpaputok sa mga barangay ay limang minor firecrackers incidents lamang ang naitala ng city PNP. Wala rin aniyang natanggap na report ng nakawan mula sa mga banking and financing institutions na tulad ng nangyayari sa ibang lugar.
Aniya, naging tagumpay rin ang seguridad sa idinaos na Fluvial Procession noong January 5, at ganito rin ang isinasagawa nilang paghahanda para sa iba pang gawain para sa pagdiriwang ng Piyesta ng lungsod. “inaasahan ko ang kooperasyon ng aming kapulisan,” dagdag pa ni Tiu.
Hinihikayat niya ang kapulisan na mag focus sa kanilang trabaho. “We will work hard for Batangas City, protect its people with all our hearts and dedication, and we will work hand in hand this 2018 for the betterment of Batangas City,” sabi ng hepe.
Ayon kay Tiu, hiniling nina Congrerssman Marvey Mariño at Mayor Beverley na panatilihin ang katahimikan at katiwasayan ng lungsod at patuloy na ipatupad ang batas ng pantay pantay at walang kinikilingan.
Ayon sa direktiba ni Provincial Police Director PSSupt Alden Delvo , pagtutuunan ng pansin ng Batangas City PNP ang pag-aresto/paghuli sa mga most wanted persons sa pamamagitan ng arrest warrant. Ganoon din ay ang mga programa para maiwasan ang mga aksidente sa trapiko, kung saan ayon sa tala ng kapulisan ay may mataas na bilang ng kaso.
Kaugnay nito ay makikipag-ugnayan sila sa Traffic Development Regulatory Office (TDRO) at sa Peace and Order Council para sa ilang suhestiyon na maaring makatulong upang mabawasan ang traffic accident . (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.