- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Grade 5 student ng UB kampeon sa Children’s Art Competition
- Details
- Tuesday, 09 January 2018 - 4:34:53 PM
BATANGAS CITY - Nagbigay inspirasyon sa nanalong kampeon ng Children’s Art Competion na si Aliyah Mariam Latip, grade 5 student ng University of Batangas, ang mga biyaya at pagmamahal ng Mahal na Poong Sto. Niño sa kanyang naipanalong art work.
May 41 estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ang lumahok sa nasabing patimpalak. Nagwagi ng 2nd place si Lia Joie Blanco ng Marian Learning Center and Science High Sschool at 3rd place naman si Allen Henrik Montoya ng Batangas State University.
Special awards ang natanggap nina Daindra Carmela Bayeta ng Ilijan ES, Maxine Lleana de Villa ng Saint Bridget College at Carmelo Emanuel Echanez ng BatStateU.
Ang kampeon at dalawa pang winners ay tumanggap ng P 5000, P3000, P 1,500 respectively at medalya. Tumanggap naman ng tig 500 piso ang tatlong special awardees. Ang mga hindi nagwagi ay tumanggap ng tig 200 piso.
Naging mga hurado ang mga visual/ multimedia artists at painters na sina Lino Acacio, Janet Arboleda Ballecer at Herminigildo Santos.
Ayon kay Santos, nailarawan ni Latip ng wasto ang tema na “Dahil sa Sto. Niño, winner ako!”. Matured din aniya ang kanyang atake sa komposisyon. Mensahe niya sa lahat ng mga sumali na ituloy lamang ang pagmamahal sa sining at patuloy na dagdagan ang kanilang mga kaalaman.
Ang childrens art competiton ay proyekto ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Cultural Affairs Committee sa suporta ng SM City Batangas. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.