- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Lahing Batangan nagtanghal sa International Dance Xchange
- Details
- Wednesday, 02 May 2018 - 5:00:34 PM
DUMAGUETE CITY – Lumahok ang Batangas City, ang itinuturing na cultural center ng Calabarzon, sa International Dance Xchange Workshop and Performances sa Dumaguete City noong April 26 – 30 kung saan nagtanghal ang Lahing Batangan. May temang “Cultural connectivity through Dance”, ito ay proyekto ng National Commission for Cullture and the Arts na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga Filipino sa kultura at sayaw ng ibang bansa. Layunin din nito na maabot ang kasuluk sulukang mga barangay upang maihatid ang iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng mga sayaw.
May 852 participants mula sa buong Pilipinas ang lumahok sa dance workshop. Mahigit 10 international groups ang nagbigay ng lecture at demonstration ng kanilang native dances mula Thailand, Malaysia, Indonesia, Turkey, Poland, Japan, China, Bangladesh, Hongkong, India at Hawaii.
Nagtanghal din ang mga foreign groups kasama ang mga local performers tuwing gabi sa ilang concerts na ginanap sa iba’t ibang venues. Ilan dito ang ipinagmamalaking Lahing Batangan ng Batangas City, Next to Innocence, J Crisis, Melengas Dance Company ng Pagadian, Zamboanga Group, Kislap Sining at ang Cebu Dancesport Team. Ang mga grupong ito ay nagsasagawa rin ng mga outreach shows sa mga maliliit at malalayong mga barangay.
Isa sa mga mga lecturers si Bb. Ligaya Fernando- Amilbangsa, isang Ramon Magsaysay awardee at dalubhasa sa sayaw na “pangalay”, isang katutubong sayaw sa Mindanao. Dito’y inihalintulad niya ang sayaw na subli ng Batangas sa pangalay ng Mindanao kung saan itoy isang sagradong sayaw, sinasayaw ng may paggalang at kahit mabilis ang tugtog ay sinasayaw ng mabagal.
Dumalo sa nasabing workshop ang ilang mga miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee na sina Alvin M. Remo, Erick Anthony Sanohan at Peter John Caringal.
Ang utak ng International Dance Exchange ay ang chairperson ng National Committee on Dance na si Bb. Shirley Halili-Cruz sa pakikipagtulungan ng vice chairperson na si Larry Gabao, Rodel Fronda bilang kalihim at Franco Velas bilang pangalawang kalihim. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.