- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Halos 2,000 aplikante lumahok sa Labor Day job fair ng PESO
- Details
- Thursday, 03 May 2018 - 4:33:36 PM
May 1,640 ang mga naging aplikante sa Handog Trabaho ni Mayor Edimacuha job fair na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) para sa 17,682 job openings ng walong overseas companies at 37 local corporations na lumahok dito ngayong May 3, sa Batangas City Coliseum.
Ang job fair na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng pamahalaang lungsod ng Labor Day para sa mga Batanguenong manggagawa.
Ayon sa mga lumahok na kompanya, mas madali para sa kanila na makapaghanap ng mga kwalipikadong indibidwal sa tulong ng job fair na isinasagawa ng Batangas City. Ilan sa mga malalaking kompanyang lumahok ay ang JG Summit Petrochemical Corporation, Mc Donald’s, Toyota Batangas, CDO, Teletech, Home Center, ACE, Epson, SM Supermarket, Pacific Star, Orange International at iba pa.
Nauna rito, nagkaroon ng employment coaching ang PESO para sa mga graduating students ng Colegio ng Lungsod ng Batangas noong May 2. Isa sa mga ito ay si Precious Anonuevo, 19, at magtatapos sa kursong Business Administration. “Malaking tulong na nabigyan kami ng sapat na kaalaman sa paghahanda ng resume at sa interview na magagamit namin sa pagaapply sa trabaho,” sabi ni Anonuevo.
Ang mga OFWs naman na sina Romulo Jarque,56, at Joselito dela Cruz,53, ay nagnanais nang tumigil sa bansa upang dito maghanapbuhay. Nakita nila sa facebook ang naturang job fair kung kayat malaki ang pasasalamat nila na hindi na nila kailangan pang pumunta sa Maynila upang maghanap ng trabaho.
Ang bagong licensed mechanical engineer na si Carlo Joseph Noriega, 22, ay nais munang makapagtrabaho dito bago makipagsapalaran sa abroad.
Ayon kay PESO Manager Noel Silang, hangad nila na mahigitan ang target na 15% ng mga aplikante na hired-on-the-spot.
Nagsusumite aniya ang mga kompanya ng listahan ng mga na hired-on-the spot, ilan ang qualified at hindi nagqualified kung kayat namomonitor nila ang status ng mga natulungan at nakinabang sa naturang job fair.
Plano din aniya nila na gawing one- stop- shop ang job fair sa Hunyo kung saan iimbitahan nila ang SSS, Philhealth at PAGIBIG upang hindi na mahirapan pa ang mga aplikante sa pagkuha ng mga naturang requirements para sa employment.
Sa tulong naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), masisiguro na legal o lehitimo ang mga kompanya partikular yaong mga international companies upang maiwasan ang illegal recruitment. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.