- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Waterworks project para sa mga relocatees sa Brgy. Tulo pinasinayaan
- Details
- Friday, 04 May 2018 - 4:41:53 PM
May 460 kabahayan ang makikinabang sa ikatlong waterworks project sa barangay Tulo West na pinasinayaan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ngayong Biyernes, March 4.
Ang tangke ng tubig na naglalaman ng 8,000 galon ng tubig na itinayo sa relocation site ng barangay ay magbibigay na sapat na suplay ng tubig sa mga residente dito kabilang na ang may 40 pamilyang na relocate dito mula Gulod Labac dahilan sa konstruksyon ng 3rd Bridge project.
Nagpasalamat si Punong barangay Digna Fajarito kina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha sa pagkakaloob ng naturang proyekto para sa mga relocatees. “Salamat po sa inyo at lagi ninyong naaalala ang inilipat nating mga residente, hindi po magtatagal at magiging kanila na mismo ang lupang kanilang tinitirahan,” sabi ni Fajarito.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Punong Barangay ng Tulo Alvaro Perez sa malaking kaginhawaang maibibigay ng proyektong ito sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.
Mula sa pamahalaang lungsod ay isinalin ang pamamahala ng proyekto sa pamunuan ng barangay, na isinalin naman sa mga opisyal ng Tulo West Rural Waterworks and Sanitation Association (TWRWSA). Hiniling nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha na ingatan at alagaan ang proyekto para tuloy tuloy ang suplay ng tubig nito.
Tinugunan naman ng Officer In Charge president ng TWRWSA na si Estelito Atienza na makakaasa ang dalawang opisyal na aalagaan nila ang proyekto at magpapatupad ng mga alituntunin para sa mas maayos na pamamahala nito.
Sa kasalukuyan ay may 70 waterworks projects at 70 organized waterworks association sa 52 barangay sa lungsod kung saan mahigit sa 5,000 mamamayan ang nakikinabang dito. Ang City Planning and Development Office (CPDO), City Engineer’s Office (CEO) at City Health Office (CHO) ang mga tanggapan na nagpapatupad at namamahala ng proyektong ito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.