- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Simula ng Barangay at SK Elections, naging maayos
- Details
- Monday, 14 May 2018 - 5:10:00 PM
BATANGAS CITY Sa unang dalawang oras ng botohan ay naging maayos at mapayapa ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nagsimula ng eksakto alas syete ng umaga at magtatapos sa 3:00 ng hapon.
Muling naging problema ng iba ang hindi makitang pangalan sa list of registered voters. Kung kayat nagsadya ang ilan sa tanggapan ng COMELEC.
Mayroon ding nagreklamo na diumano’y mga flying voters na nasa listahan subalit hindi nakatira sa barangay na kanilang bobotohan.
Sa barangay Calicanto na may 7,000registered voters, inereklamo ang mabagal na proseso ng eleksyon sapagkat limitado sa anim na tao ang pinapapasok sa isang presinto kahit marami pang bakanteng bangko para sa mga botante. Dahil dito lalong humahaba ang pila.
Ayon sa kay Election Officer Atty.Groller Mar Liwag, ang pinakamaraming bilang ng taong pwedeng bumoto sa loob ng presinto ay 10. Bawal ang gumamit ng cellphone at makipag usap sa mga watchers habang bumubuto. Sinabi rin niya na dapat na ang botante ang maghulog ng kanyang balota sa ballot box at hindi ang chairman ng Board of Election Inspectors alinsunod sa orientation na ibinigay ng Comelec sa mga teachers.
Sa isang presinto sa Batangas City East Elementary School (BCEES), isang 92 taong gulang na residente ng barangay Kumintang ang kinailangang buhatin pa ng kanyang apo patungo sa ikalawang palapag upang makaboto. Ayon kay Jose Manibo, gustong gusto ng kanyang lola na makaboto bagamat mahina ang katawan at hindi na kayang makapaglakad.
Mayroong police desk ang Batangas City PNP na syang aaksyon kung magkaroon man ng kaguluhan. May mga staff din ang City Health Office (CHO) na magbibigay ng first aid sa mga mangangailangan.
Samantala, bumuto sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Batangas National High School (BANAHIS) kasama sina ABC President Dondon Dimacuha, ang kabiyak nitong si Atty Alyssa Dimacuha at Secretary to the City Mayor Atty Reginald Dimacuha bandang 10:00 ng umaga.
Habang tahimik at maayos ang eleksyon sa Alangilan Elem. School, nagkaroon naman ng problema sa third party member ng Board of Election Inspectors sa isang presinto sa Kumintang Ilaya Elem. School. Siya ay isang barangay nutrition scholar na identified sa kalabang partido ng kasalukuyang administrasyon ng barangay Kumintang Ilaya. Dahilan dito, pinayagan ng Comelec na siya ay matanggal at agarang pinalitan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.