- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SK sumailalim ng mandatory training
- Details
- Friday, 25 May 2018 - 2:21:59 PM
Sumailalim sa mandatory training ang may 822 Sangguniang Kabataan (SK) chairmen at councilors sa Batangas City noong May 23 at 25 sa Lord Immanuel Institute, Lobo Batangas bilang paghahanda sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director Manuel Gotis, napakahalaga na makadalo ng training na ito ang mga elected SK officials alinsunod sa Republic Act no. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 . “Nakasaad sa batas na hindi makakapag assume ng kanilang posisyon ang mga elected SK na hindi umattend ng training na ito,” pag didiin ni Gotis. Sinabi rin ni Gotis na sa training na ito, matututunan ng mga participants ang lawak ng kanilang responsibilidad. “ito ay eye opener sa kanila, at ang lahat ng kanilang matutunan dito ay magiging guidance nila sa kanilang panunungkulan,” dagdag pa ni Gotis.
Tinalakay sa training ang Decentralization and Local Governance, Sangguniang kabataan History and Salient Features, Meetings and Resolutions, Planning and Budgeting, at Code of Conduct and Ethical Standard.
Pagkatapos nito ay may mga nakatakda pa ring enhancement training para sa mga SK upang higit na maiangat ang kanilang kaalaman at kakayahan bilang mga lider ng kabataan.
Ayon kay Gotis, inaasahan niya na ang mga nahalal na SK officials ay matino, mahusay at maaasahan. Aniya, dapat ay mahusay ang mga ito na mamahala ng pondo ng SK at alam tugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.
Ang naturang training ay itinaguyod ng DILG, National Youth Commission , Local Government Academy, katuwang ang local government unit, Local Resource Institutes (academic institutions), liga ng mga barangay at Development Academy of the Philippines.( marie v. lualhat PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.