- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kampanya laban sa AIDS isinagawa ng CHO upang labanan ang dumadaming kaso nito
- Details
- Friday, 25 May 2018 - 6:31:23 PM
Muling nagsagawa ng candlelight memorial ang Batangas City Health Office noong ika-25 ng Mayo sa Batangas National Highschool (BANAHIS) bilang bahagi ng awareness campaign nito laban sa Aquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Ang nasabing gawain ay sa ilalim ng kanilang programang STI-HIV Aids Prevention Program. Ang “Reflecting on our Past, Preparing for our Future – International AIDS Candlelight Memorial “ ay naglalayong handugan ng panalangin yaong mga namatay dahil sa sakit na AIDS. Ayon kay City Health Officer Dr Rosanna Barrion, sa pamamagitan ng naturang okasyon na ginugunita tuwing ikatlong linggo ng Mayo ng bawat taon, makakapag promote o makakapagbahagi sila ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga Sexually Transmitted Infections (STI) at Human Immuno-deficiency Virus o HIV.
Malaking hamon aniya ito sa kanila a na kung hindi man tuluyang masugpo ay mapababa ang bilang ng ganitong kaso sa lungsod.
Ayon kay Barrion, may 179 na HIV cases sa Batangas City mula 1984. Humigit kumulang sa 200 ang nagdevelop sa AIDS habang may walong bagong kaso ang naipatala sa lungsod noong 2017. May 44 na ang namatay sa lalawigan dahil dito.
Ang Batangas City aniya ay nangunguna sa listahan ng may mataas na kaso ng AIDS sa lalawigan ng Batangas subalit hindi aniya ito nagngahulugan na ang mga ito ay pawang mga Batangueno.
Ang CHO aniya ay may services na bukas sa lahat ng nagnanais makinabang dito at ito ay nakatala sa website ng Department of Health bilang isa sa mga facilities na pwedeng puntahan ng may ganitong uri ng karamdaman. Binibigyan din aniya sila ng DOH ng testing kits na maari nilang magamit sa mga pasyente. Kinakailangan munang sumailalim sa pre at post counselling bago magsagawa ng testing.
Nakakaalarma aniya na mga kabataang edad 15 taong gulang pa lamang ay nagkakaroon na nito at karamihan sa naitalang kaso ay mula sa male having sex with male.
Magsasagawa ang CHO ng intensified awareness drive , health education campaign at advocacy sa tulong ng kanilang mga school partners gaya ng LPU Batangas, BSU at BANAHIS.
Nagkaroon din ng panel discussion na tinaguriang “Bekitaktakan”sa pangunguna ni Mrs Vicky Atienza ng CHO at nilahukan ng mga advocate mula sa The Library Foundation at mga myembro ng samahan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender o LGBT community tulad ng BARAKO.
Nagbigay naman ng technical assistance ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa pagsasagawa ng naturang okasyon.
Idinagdag pa ni Barrion, inaasahan nila na ang nasabing gawain ay magbubukas ng kaisipan ng mga mamamayan tungkol sa AIDS upang ito ay maiwasan.
Hiningi nila ang kooperasyon ng mga tao na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang matugunan kaagad sakaling magkaroon ng ganitong kaso.
Tinagubilinan din niya ang lahat na maging bukas sa mga persons living with HIV, maging maingat sa pakikipag-ugnayan lalo na sa mga high- risk groups at huwag din tuligsain ang mga taong mayroon nito.
Nagbigay ng mesasage of commitment si Mayor Beverley Dimacuha sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Abby Abendan ng LEIPO, kinatawan ng Provincial DOH Office, Batangas Medical Center Wellness Home, Provincial Health Office, Batangas State University, Barako, TLF, SILBI at PSPC/PSFI Inc.
Tampok din sa candlelight memorials ang testimonya ng isang person living with HIV, 33 taong gulang na bisexual mula sa Maynila na nagbahagi ng kanyang naging buhay at karanasan sa pagkakaroon nito sa loob ng limang taon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.