Mayor Dimacuha muling nakiisa sa pagsuporta sa Brigada Eskwela

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Muling ipinakita ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanyang pagsuporta sa Brigada Eskwela na nagsimula sa buong bansa ngayong araw na ito hindi lamang sa pagdalo dito kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pintura at cleaning materials sa ilang pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Dumalo siya sa opening program ng Brigada Eskwela sa Sta. Clara Elementary School na isinagawa pagkatapos ng kick-off parade kaninang umaga at nagbigay ng 16 na galon ng pintura dito.

Ayon kay Mayor Dimacuha, taun-taon ay nakikiisa sila ni Congressman Marvey Mariño sa proyektong ito ng Department of Education (DepED) kung saan tumutulong sila sa paglilinis at pag-aayos ng mga paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. “Noon pong mga nakaraang taon ay sa Batangas National High School kami, pero gusto ko ay iba naman, at pagkakataon na rin ito para mabisita ko po ang mga ekwelahan at makita ang mga pangangailangan ng mga ito,” dagdag ni Mayor Dimacuha.

Pinuri rin ni Mayor Dimacuha ang koopersayon ng mga magulang, barangay, pribadong sektor at ilan pang volunteers sa proyektong ito kung saan nakikita ang bayanihan o pagtutulungan upang malinis at maihanda ang mga paaralan at maging ligtas at maayos ito para sa mga estudyante.

Sa kanyang mensahe ay hinikaya’t niya ang mga magulang at guro na bukod sa pagtuturo sa mga bata ng kanilang mga aralin ay hubugin din ang mga ito na magkaroon ng dislplina at pagmamahal sa lungsod ng Batangas. “Madami po tayong mga ipinagagawa ngayon kagaya ng mga kalye natin, nakakakuha tayo ng pondo nula sa national government sa pamamagitan ni Cong . Marvey. Sinisikap po natin na mapaganda ang lungsod at mapaalwan ang buhay dito, subalit nakakalungkot po na marami sa ating mga kabataan ay walang disiplina, sinisira ang mga gamit at puno ng mga graffiti ang mga pader,” ayon kay Mayor. (PIO Batangas City)