- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
TB mass screening prayoridad ang matatanda at may diabetes
- Details
- Wednesday, 13 June 2018 - 4:54:13 PM
BATANGAS CITY- Nagsagawa ang City Health Office (CHO) ngayong Miyerkoles ng tuberculosis mass screening sa may 200 senior citizens at may sakit na diabetes mellitus na siyang prayoridad sa paggamot ng sakit na ito.
Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, ang mga matatanda at diabetic ang mga vulnerable o madaling kapitan ng tuberculosis kayat ang mga ito ang tinarget nila para sa TB mass screening.
May nakuha silang 900 na TB cases noong 2017 at patuloy nila itong ginagamot ng libre haggang anim na buwan sa ilalim ng kanilang Tuberculosis Control and Prevention Program.
Sinabi ni Dr. Barrion na hindi dapat itago o ikahiya ang nakakamatay at nakakahawang sakit na ito sapagkat madali itong gamutin. Ang CHO personnel ay tutok ang gamutan sa mga identified cases at tinutulungan ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng gamot sa mga local government units. Upang maiwasan ang tuberculosis, payo ni Dr. Barrion na kumain ng masusustansiyang pagkain, magehersisyo, magkaroon ng sapat na tulog at disiplina sa sarili upang makaiwas sa mga bisyo at magkaroon ng healthy lifestyle.
Target aniya ng DOH na mapalawak pa ang paghahanap ng mga taong may tuberculosis upang magamot ito at tuluyan ng maging TB-free ang bansa.
Isa sa mga pasyente si Lorna Paala ng Maalbo De la Paz, 31, at may pitong anak. Aniya, karaniwang pananakit ng likod, pag uubo at sakit ng ulo ang kanyang nararamdaman kaya binalewala nya ito. Subalit habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang pag ubo, nagkakaroon ng lagnat at nakakaramdam ng panghinhina kayat agad siya nag punta sa CHO upang mag pa konsulta at dito siya na diagnosed na may tuberculosis. Tatlong buwan na siyang ginagamot at bumubuti na ang kalagayan.
Katuwang ng CHO sa TB mass screening na ito ang DOH, Provincial Health Office at Philippine Business Social Progress na siyang may dala ng RAD Tech Van kung saan isinagawa ang X-ray ng mga pasyente. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.