- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Nutrition management magiging bahagi ng paghahanda sa kalamidad
- Details
- Monday, 11 June 2018 - 4:46:17 PM
BATANGAS CITY-Magiging bahagi na ng disaster risk reduction and management program ng pamahalaang lungsod ang pangangasiwa ng nutrisyon upang mapanatili ang kalusugan, maiwasan ang paglala ng malnutrisyon at pagkamatay ng mga tao sa panahon ng emergencies at kalamidad. Ito ay alinsunod sa National Nutrition Council Governing Board Resolution No. 1 series of 2009. “Adopting the National Policy on Nutrition Management in Emergencies and Disasters “ kung saan sinasabi na ang nutrition committees sa local level ay ay magsisilbing Local Nutrition Cluster at sa context ng emergency management ay ituturing na bahagi ng Local Disaster Coordinating Council. Kaugnay nito, nagsagawa ang City Nutrition Division ng Training on Nutrition in Emergencies noong June 6-8 sa conference room ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS). Lumahok dito ang mga kinatawan ng ilang national at city government departments at offices kagaya ng City Administrator, Budget, City Health, City Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, City Planning and Development, City Disaster Risk Reduction and Management , City Enro, Association of Barangay Captains, OCVAS , Dept. of Education, Public Information, at Population Commission.
Ayon sa resource speaker na si Dianne Kristine Cornejo, nutrition officer 111 ng National Nutrition Council-NPPD, target ng local nutrition cluster ang mga vulnerable groups kagaya ng mga bata, buntis, nagpapasusong ina, matatanda at may mga kapansanan. Binigyang diin din niya na hindi dapat canned goods at instant noodles lamang ang ipinapakain sa mga evacuees at iba pang biktima ng kalamidad kundi dapat bigyan sila ng masustansiyang pagkain.
Ang CSWDO ay inaasahang makikipag- ugnayan sa City Nutrition Division sa preparasyon ng pagkain sa kanilang community kitchen at supplementary feeding upang ang mga ito ay masegurong masustansya at matutugunan ang 500 calories na requirement para sa mga may moderate at severe acute malnutrition. Mayroon ding mga fortified food products na may Vitamin A at iba pang bitamina na pwedeng ipamigay ang City Nutrition Division para sa mga vulnerable groups . Mga Ready to Use Therapeutic Food (RUTF) naman ang ipinamimigay para sa rehabilitasyon ng mga batang may acute at severe acute malnutrition. Mahalagang magkaroon ng rapid nutritional assessment ng mga evacuees upang malaman ang nuitrition situation at ang interventions na dapat gawin kagaya ng community mobilization, outpatient therapeutic care, inpatient therapeutic care at targeted supplemental feeding program sa unang dalawang araw ng anumang emergency o kalamidad. Upang makapagsagawa ng nutrition assessment, tinuruan ang mga participants sa training sa pagkuha ng mid-upper arm circumference (MUAC) gamit ang MUAC tape at pagsusukat ng taas at timbang upang malaman kung sino ang mga malnourished, at maiwasan ang paglala ng kanilang malnutrisyon.
Nagkaroon din ng pagpaplano ng Nutrition in Emergencies na isasama sa Disaster Risk Reduction and Management Program ng lungsod. Sinabi naman ng isa pang resource speaker na si Jellie Anne Palencia, nutrionist-dietician1V ng DOH-Calabarzon, na kailangang maglagay ng isang breastfeeding corner sa evacuation center kung saan ligtas at komportableng makakapagpasuso ang mga ina.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.