- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
World AIDS Day Ginunita
- Details
- Wednesday, 05 December 2018 - 3:09:04 PM
BATANGAS CITY-Pinangunahan ng City Health Office (CHO) at mga partners nito ang paggunita sa World AIDS Day, December 3, sa pamamagitan ng isang HIV/AIDS awareness campaign sa Batangas National High School kung saan dumalo rito ang mga elementary at high school students mula sa iba’t ibang paaralan.
Katuwang ng CHO sa gawaing ito ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation at ang SILBI LGBT QA.
Tema ng 3oth anniversary ng World AIDS Day ang “Know your status” o alamin kung meron o wala kayong human immunodeficiency virus (HIV) infection sa pamamagitan ng testing upang agad itong magamot at maiwasan na makahawa pa sa iba.
Ang HIV ay nagpapahina ng immune system ng isang tao kung kaya’t nagiging mahina ang resistensiya niya sa infection at cancer. Ito ay umuuwi sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na nagiging dahilan ng pagkamatay ng pasyente.
Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang lumalaki ang bilang ng may HIV kung saan marami rito ang mga kabataan edad 15-24, partikular ang mga high-risk group kagaya ng mga males having sex with males. Malimit ding nabibiktima ang overseas Filipino workers. Pwede kang makakuha ng sakit na ito kung wala kang proteksyon sa pakikipagtalik kagaya ng condom, kung nasalinan ng dugo na may HIV/AIDS infection, exposure sa contaminated needles at pagkahawa ng ina sa kanyang anak habang nagbubuntis.
Ayon kay Dr. Allen Santos, STI HIV/AIDS program manager ng CHO, layunin nilang makamtan ang advocacy ng World Health Organization na “90 90 90” na ang ibig sabihin ay 90% ay dapat ma test ang status, 90% ang dapat magkaroon ng access sa prevention, treatment and care services at 90% ang viral load suppression.
Nagbigay ng mensahe ang principal ng BNHS na si Lorna Ochoa at Dar Guamos, External Relations Manager ng PSCP.
Nagkaroon din ng mga patimpalak na nilahukan ng mga estudyante at pinarangalan ang mga nanalo sa mga aktibidad na isinagawa sa mga sumusunod: Quiz bee; Pinoy Henyo; Beki Taktakan; Draw me a Picture; Pass the Message ; Ms. Q and A; Leaflets Making Contest; Poster Making Contest. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.