- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
DICT nagsagawa ng libreng training para sa online jobs
- Details
- Thursday, 06 December 2018 - 4:03:05 PM
May 13 residente ng Batangas City ang nagtapos sa libreng Rural Impact Sourcing Technical Training (RISTT) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa layuning mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng online jobs ang mga walang trabaho, underemployed at mga gustong maging freelancers kahit nasa bahay..
Isinagawa ang training ng DICT sa pakikipagtulungan ng Local Economic Investment and Promotion Office ng pamahalaang lungsod. Ang graduation ceremony ay ginanap noong December 5 sa Museo Puntong Batangan.
Binigyan ng kaalaman ang mga trainees sa Social Media Marketing and Advertising na kumbinasyon ng hands on at internet-based training sa loob ng pitong linggo. Nagsilbing trainor nila si Alvin John Ferias.
Isa sa mga nagtapos ang 48 taong gulang na ginang at guro na si Aurea Javier ng barangay Pallocan East. Ayon sa kanya naging mahirap ang kanilang training subalit marami silang natutunan na makakatulong ng malaki sa kanila upang kumita at magkaroon ng career growth. “Natutunan namin na pwede palang gamitin ang social media for business at natuto din kami ng graphic design, video production at video editing. Nalaman din namin ang mga FB groups kung saan pwede kaming kumonek sa online free lancers at online remote workers.” Sinabi rin niya na sa panahon ng kanilang training ay agad siyang nag apply sa isang online job at swerte namang natanggap siya bilang content writer ng isang blogger ng one of the Top 40 blogs tungkol sa Korea. “Mayroon ding nagpagawa sa akin ng FB page ng isang local perfume brand,” dagdag pa niya.
“Nagpapasalamat kami ng sobra sa city government sa training na ito at sana masundan pa at mas marami pa sana silang matulungan,” sabi ni Javier.
Ipinaabot ni LEIP Officer Erick Sanohan ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos at ang pasasalamat sa DICT sa pagkakapili sa lungsod upang maging unang recipient ng RISTT sa Batangas Province.
Lubos din ang pasasalamat ni Engr Reynaldo Sy, Director LC2 ng DICT dahil sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod sa kanila. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.