- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Breast milk donation campaign isinagawa
- Details
- Friday, 07 December 2018 - 4:49:12 PM
BATANGAS CITY May 134 breastfeeding mothers sa Batangas City ang lumahok sa mass breastfeeding at milk donation sa 1st Regional Human Milk Donation Campaign, December7, sa Jesus of Nazareth Hospital (JNH). Ang kampanyang ito ay may temang “Gatas mo inay, handog ay buhay”
Ito ay itinaguyod ng Batangas Medical Center (BATMC), City Health Office (CHO) sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH), Rotary Club of Downtown Batangas, Soroptimist International at JNH.
Ayon kay Ma Joycelyn Mercado, chairman ng BatMC Human Milk Bank Committee, layunin ng nasabing proyekto na mapalakas ang kampanya sa breastfeeding at malaman kung gaano karami ang bilang ng mga nagpapasusong ina. Ang donated milk ay ibibigay sa Human Milk Bank ng BatMC. Sinabi rin niya na may screening sila ng mga donors upang maseguro na ligtas ang kanilang mga gatas sa HIV at iba pang sakit.
Sa isinagawang forum, sinabi ni Felice Emerita Perez, head ng Family Health Unit ng DOH-CHD 4 CALABARZON at kinatawan ni OIC Director III Dr Noel Pasion ng Center for Health Development, hangad nila na mapalaganap ang adbokasiya sa breastfeeding at maibahagi ang kaalaman hinggil dito.
Binigyang diin naman ni Jellie Anne Palencia, nutritionist-dietician IV ng DOH-CHD IVA, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon ng isang nagpapasusong ina. Ang gatas aniya ng ina ay siksik sa sustansya at antibodies na panlaban ng sanggol sa sakit.
Tinalakay naman ni Dr Marj Sibayan ng Arugaan Foundation at certified breastfeeding counselor ang Executive Order No 51o ang Philippine Milk Code of 1986. Layunin ng Milk Code na mapalakas ang pagkakalat ng impormasyon tungkol sa breastfeeding at proper nutrition habang nire regulate ang advertising, marketing at promotion ng breastmilk substitutes at iba pang produkto kagaya ng feeding bottles at teats. Ipinagbabawal nito ang donations, samples o distribution ng ibang promotional giveaways ng mga milk companies sa mga health workers at iba pa na bahagi ng healthcare system. Kabilang sa mga produkto ang breastmilk substitute, milk products, foods, beverages at bottle-fed substitutes.
Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na binasa ni Dr Liza Gonzales ng CHO, “...ang pagiging ina ay walang hanggang pagsisilbi at pagbabahagi ng sarili, lakas, panahon at buhay lalot higit ng pagmamahal.” Bilang isa ring breastfeeding mom, nananawagan siya sa lahat ng nanay at magiging ina na huwag mag atubiling pasusuhin ang mga anak dahil ang gatas ng ina ay walang katulad at katumbas kung sustansya at kaligtasan ang pag-uusapan. Hinikayat din niya na ibahagi ang gatas sa mga sanggol na hindi mapasuso ng ibang ina dahil sa karamdaman at iba pang kadahilanan.
Ikinuwento naman ni Councilor Aileen Grace Montalbo, myembro ng Rotary Club Downtown na hanggang ngayong apat na taon na ang kanyang bunso ay pinapasuso pa rin niya ito sapagkat masustansya ang gatas ng ina. Mayroon aniyang facebook group para sa mga breastfeeding mom kung saan maaaring magtanong ang mga first time na magpapasuso. Ayon kay Dr Mercado, ang refrigerated milk ng ina ay maaring tumagal ng anim na buwan. Ito aniya ay finifilter at dumadaan sa pasteurization kung kayat may kaukulang halaga na kailangang bayaran (P 220 per 100ml) ang mga mangangailangan.
Nagbigay ng testimonials ang ilang breastfeeding mothers sa advantages na dulot ng pagpapasuso sa kanila. Bukod anila sa matipid, nagpapatibay ito ng bond sa pagitan ng ina at anak at mas malusog ang breastfed baby. Pinoprotektahan din ang bata sa respiratory infection, pagtatae at iba pang sakit habang naiiwasan naman ang ovarian at breast cancer sa mga breastfeeding mothers. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.