Ligtas na Bagong Taon, layunin ng Batangas City Police

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Layunin ng Batangas City Police na maging ligtas ang publiko sa mga aksidente sa pagdiriwang ng Bagong Taon kayat sa pagpupulong nila at iba pang government agencies sa mga dealers at retailers ng fireworks at pyrotechnic devices. sinabihan nila ang mga ito na sundin ang mga batas na ipinatutupad hinggil dito.

Ayon kay SPO1 Osmundo Calalo, naging 0 incident noong 2917 subalit nitong 2018, may napatalang limang kaso ng injury dahil sa paputok. Kayat nais nilang maging 0 incident muli sa lungsod sa pagpasok ng 2019.

Nagpaalaala si PO1 Calalo sa mga vendors na huwag magbebenta ng paputok at fireworks display sa mga menor de edad, sundin ang no smoking ordinance at ipaalam sa mga mamimili ang mga firecrackers zone. Paliwanag naman ni Eng. Geanne Ilustre ng General Services Department (GSD) na kailangang three meters by five meters ang lawak ng magiging stall ng bawat dealer.

Ayon sa Business Permit and License Office )BPLO) , magsisimula sa December 29 ang pagtatayo ng mga stalls. Tugon naman ng mga vendors na kulang ang araw na inilaan ng awtoridad para sa kanilang pagtitinda kayat hiniling nila na madagdagan ito upang kumita sila ng sapat.

Iminungkahi ni ABC President Angelito Dimacuha na bigyan ng apat na araw para makapagtinda na sinangayunan naman ng City PNP.

Sa huling araw ng pagbebenta sa December 31, hanggang alas-8 lamang ng gabi sila maaaring magtinda.

Dumalo sa pagpupulong sina Dimacuha, Pangulong Jessie Fetalvero ng Brgy. 20, City PNP chief, PSupt. Sancho Cedeldio, TDRO acting chief, Engr. Francis Beredo, Bureau of Fire Protection chief, FSI Elaine Evangelista, Prudencio Cepillo ng Defense and Security Services, Eng. Geanne Ilustre ng General Services Department, nga kinatawan ng Business Permit and Licensing Office at City Disaster Risk Reduction Management Office, Deputy Chief of Police PCI Dwight Fonte,at Deputy, RCSU4A, PSUPT Mary Ann Alispan. (PIO Batangas City)