- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
3rd Calumpang bridge madadaanan na bago mag fiesta sa Enero
- Details
- Wednesday, 12 December 2018 - 4:06:51 PM
Inaasahang bago mag city fiesta sa January 16, 2019 ay magagamit na ang 3rd Calumpang Bridge na ngayon ay 24/7 ginagawa upang mapakinabangan na at maibsan ang masikip na trapiko sa Batangas City.
Kahapon, December 11, ipinakita ng Frey-Fil Corporation, ang project contractor, ang paglalagay ng huling box girders sa kaunaunahang box-girder superstructure- design bridge sa bansa. Ang P338-million bridge ay may habang 140 metro, 100metro sa bawat approach at may apat na lanes. Ito ay babagtas mula sa sitio Ferry Kumintang Ibaba papuntang Gulod Labac.
Dumalo sa briefing sina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Marino, city officials, department heads , malalaking negosyante at miyembro ng press.
Ayon sa project manager na si Engr. Ronald Litan, 90% complete na ang proyekto kung saan ang paglalagay na lamang ng mga sidewalks at iba pang finishing touches ang gagawin. “ Sisikapin naming madaanan ito bago mag fiesta,” sabi ni Litan.
Ipinaliwanag niya ang naging proseso sa paggawa ng tulay na aniya ay matibay sa pinakamalakas na bagyo at lindol. Ito ay kayang mag accomodate ng pinakamataas na level ng tubig base sa Typhoon Ondoy sa elevation nito na 6.085 meters mula sa mean sea level. Ito ay may 55 segmental box girders kung saan 53 ang precast segments na fabricated sa Frey-Fil plant sa Calumpit, Bulacan. Habang ang dalawa ay cast-in-place segments. Dinesenyo ito ng may standard load na MS 18 o 15 tons per axel load.
Sinabi ni Frey-fil Corporation President and CEO Joachim Enenkel na “the 55 segments will be finally representing the entire bridge. The bridge will be structurally completed by next week and architecturally ready for occupancy by next year, as promised to you before the city fiesta .” Ayon kay Congressman Marino, ang tulay na ito ay dream project ni dating Mayor Eddie Dimacuha na inasam ang pagtatayo ng ikatlong tulay matapos na masira ang Calumpang Bridge ng bagyong Glenda noong July 2014. Lubhang naapektuhan ang negosyo at higit na nagsikip ang trapiko noon. Sa gitna ng krisis na ito,, naisip niyang magpagawa ng higit na matibay, ligtas at malapad na tulay na kokoneta sa eastern portion ng lungsod, lalo na at nakitang mahina ang Pallocan bridge dahilan sa ito ay nakatayo sa tubig.
Binigyang credit din ni Mayor Beverley Dimacuha si Mayor Eddie sa tulay na ito na ayon sa kanya ay “simbolo ng ating pagiging magkakatuwang, mahinahon sa gitna ng pakikibaka at ang ating malinis na pagmamahal at pagmamalakasakit sa ating lungsod at kababayan”. Pinasalamatan niya ang suporta ng lahat upang maisakatupanran ang 3rd bridge na itinuturing niyang simbolo rin ng “sama samang tagumpay”. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.